Misunderstanding Amara "Lola, malapit na ang birthday mo. Saan mo gustong kumain?" tanong ko habang nasa hapag-kainan kaming dalawa. "Dito lang sa bahay wala naman akong ibang pupuntahan kundi sa talipapa at sa malapit na simbahan lang," sagot niya. "Ipapasyal kita sa araw ng kaarawan mo, Lola. Huwag ka nang tumanggi pa. Dahil nagpaalam ako sa araw na iyon. Mag-date tayong dalawa at mag-picnic tayo sa puntod nila Papa at Lolo," suhestyon ko kay Lola. "Ang layo ng sementeryo, apo." "Magtaxi tayo para hindi tayo mahirapan sa daan. May pera na ako dahil malaki ang sahod ko sa trabaho ko, hindi kagaya dati na kahit pang-taxi, hirap pa ako. Huwag ka na umangal, Lola," sagot ko agad. "Sige kung yan ang gusto mo, hindi na ako aangal. Alam mo namang ayaw ko ng paiba-iba ang sasakyan nahihilo ako," malumanay na sabi ni Lola. "Opo, kaya nga magtaxi na tayo. Matagal na rin tayong hindi nakakadalaw doon. Baka nagtampo na sila dahil akala nila nakalimutan na natin sila." Natahimik kaming
Last Updated : 2025-11-25 Read more