Protect meAmara Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Naalala ko pa ang sinabi ni Lola sa akin. "Araw-araw na lang nagmamadali kang pumasok sa trabaho, apo. Tapos pag-uwi mo naman dito sa bahay, maliligo, kakain, maghuhugas ng pinagkainan, tapos busy ka na ulit sa inuwi mong trabaho dito. Kapag ikaw naman ang magkasakit, paano na ako kapag nawala ka, apo ko," nag-aalalang sabi ni Lola sa akin. Ngumiti lang ako bilang sagot ko kay Lola kanina. Ayoko magkwento kay Lola dahil baka pati ito magproblema sa akin at mag-alala ng sobra. Pagpasok ko pa lang sa opisina ay ramdam ko na ang mga tingin ng mga kasamahan ko sa trabaho. Parang mga patalim sa likod ko ang mga hindi maipaliwanag na titig nila sa akin. Bawat bulungan nila ay tila kumukurot sa balat ko ang sakit ng sinasabi nila. "Balita ko siya raw 'yung nag-leak ng proposal." "Sayang, maganda pa naman siya. Pero mukhang guilty nga siya." "Hindi ginamit ang utak." "Kung ako kay Mr. Monticello, tatanggalin ko na 'yan or
Huling Na-update : 2025-10-27 Magbasa pa