Rest DayAmara "Apo, gising na. Wala ka bang pasok ngayon? Hindi ka na ba papasok?" panggigising sa akin ni Lola. "Rest day ko ngayon, Lola. Gusto ko pa pong matulog," maktol ko. "Di sana sinabi mo na rest day mo pala ngayon, di sana hindi na kita inistorbo pa." Sabay palo niya sa pang-upo ko. Napangiti na lang ako sa pamamalo niya sa akin. Nakadapa kasi ako kaya sa pwetan niya ako pinalo. Ramdam kong iniwan na ako ni Lola dito sa kwarto ko. Kaya pumikit na ulit ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng rest day sa dami ng trabaho sa opisina. Kaya sinusulit ko na ang matulog. Alas-onse na ng magising ako. Pupungas-pungas akong lumabas ng kwarto ko. "Oh, gising na pala ang apo ko," rinig ko na sambit ni Lola. "Morning, La," sambit ko. Nagtungo na muna ako sa banyo para umihi at magmumog na rin. "Dalian mo, apo, dahil may bisita ka." Napatigil ako sa pagpasok sana sa banyo ng marinig ko ang sinabi ni Lola. Bisita? Bakit wala akong nakita? Sabay lingon ko sa sala. Namilog a
Huling Na-update : 2025-11-05 Magbasa pa