Rafael“May problema ba?” tanong ni Leah ng hindi ako sumagot.Napalunok ako nang malalim, kasabay ng pagbigat ng dibdib ko na para bang may dumadagundong na bato sa loob.“I want to tell you something… something important.”“Okay,” sagot niya, malumanay pa rin, parang walang nangyayaring mabigat. Wala siyang idea. Wala siyang nararamdamang unos na unti-unting lumalapit. ’Yong tipong papalapit nang papalapit na parang bagyong hindi mo matatakasan.Huminga ako ng malalim, pilit pinapakalma ang sarili. Kaya mo ’to, Rafael. Wala nang atrasan. Kailangan ko nang sabihin sa kanya na anak ko si James. Sooner or later, lalabas din ang totoo. Mas mabuti nang sakin manggaling kaysa sa kahit kanino pa.Pero habang tumatakbo ang mga segundo, parang may humihigpit na tali sa leeg ko. Nagsasabay-sabay ang tibok ng puso ko, mabilis, magulo—halos hindi ko na marinig ang sarili ko sa ingay ng kaba.“Leah…” muli kong binigkas ang pangalan niya, mahina, halos pabulong. “May kailangan kang malaman tungkol
Última atualização : 2026-01-20 Ler mais