LeahL.A.Mahaba ang biyahe, nakakapagod kung tutuusin pero wala akong reklamo. Sa halip, pakiramdam ko ay relaxed ako sa buong oras ng byahe. Nasa business class naman kami ni Rafael, at mula pa kanina ay hindi siya tumitigil sa pag-aasikaso sa akin. Tanong nang tanong kung okay lang ba ako, kung gusto ko bang uminom, kumain, o mag-adjust ng upuan.Kahit nga sa pag-ihi, parang gusto pa niyang sumama. Napailing na lang ako sa isip ko, ibang klase talaga ang lalaking ‘to. Overprotective, pero sa paraang nakakaaliw at nakakapagpa-smile.Pagdating namin sa hotel, ramdam agad ang katahimikan at lamig ng lugar. Diretso kaming pumasok sa kwarto—maluwag, elegante, at may malaking sofa sa maluwag na living area na parang humihikayat na humiga ka na lang at kalimutan ang mundo.Kakaupo lang namin sa habang sofa nang mabilis kong ilapat ang likod ko sa sandalan. Napabuntong-hininga ako, parang doon ko lang talaga naramdaman ang pagod.“Sweetheart, you can take a rest,” sabi ni Rafael, malambot a
Last Updated : 2026-01-03 Read more