Rafael“Bakit parang gulat na gulat ka?” mahina kong tanong, pero puno ng inis. Tipong boses na kontrolado pero may panggigigil sa ilalim. “Nakalimutan mo na ba talaga kung ano ang estado mo?”Dahan-dahan lang ang tono ko, halos pabulong, dahil ayaw kong marinig iyon ni Leah. Hindi dahil may tinatago ako, hindi dahil nahihiya ako. Kung gugustuhin ko, kaya kong ikwento kay Leah ang buong kasaysayan namin ni Priscilla. Kaya kong ikwento lahat ng dumi, lahat ng dahilan, lahat ng kasakiman. At sigurado ako, hindi niya ipagkakait kay James ang karapatan niya bilang anak ko.Pero si Priscilla… ibang usapan siya.“Rafael, ina ako ng anak mo at—”“As long as you know,” putol ko, mas matalim na. “At sana rin ay hindi mo nakakalimutan kung paano ka naging ina. Kung bakit ka nabuntis. Kung ano ang trabaho mo noon.”Naramdaman kong sumikip ang dibdib ko sa galit, hindi dahil gusto kong sumigaw, kundi dahil gusto kong hindi sumabog. Dahil kung bibitawan ko ang kontrol ko, baka masabi ko ang mga ba
Terakhir Diperbarui : 2026-01-10 Baca selengkapnya