Leah“I love you so much, Sweetheart,” sabi ni Rafael, halos idikit ang noo niya sa akin. “I know na hindi pangkaraniwan ang sitwasyon natin. Maaaring iba ang isipin ng mga tao… but with you and me together, we can get through this.”Tinitigan ko siya.Kita ko ang paniniwala sa mga mata niya, yung klase ng paniniwalang handang ipaglaban ang lahat, kahit buong mundo pa ang humarang. At mas masakit iyon, dahil mahal ko rin siya.“Raf,” mahina kong sabi, halos pabulong, “I love you too. Pero hindi ko alam kung ano ba ang dapat.”Hindi ko alam kung anong uunahin, ang puso ko o ang konsensya ko. Ang kasalukuyan o ang mga sugat ng nakaraan.“Habang kausap ko si Mommy kanina,” patuloy ko, nanginginig na ang boses ko, “parang nadurog ang puso ko.”Naalala ko ang mukha niya. Ang luha niya. Ang boses niyang basag habang sinasabi niyang isa siyang masamang ina. Na parang lahat ng nangyari sa buhay niya ay parusa.“Bigla na lang siyang umiyak,” sabi ko. “Saying she was a bad mother. Saying she was
最終更新日 : 2026-01-29 続きを読む