Share

CHAPTER 48

Author: Anna Marie
last update Last Updated: 2025-12-20 22:32:32

Naalimpungatan ng umagang iyon si Ceryna. Pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanya habang natutulog.

Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata upang magulat lamang nang makita si Anthony na nakaupo sa gilid ng kama katabi si Kael na mahimbing pa rin ang tulog.

Napabalikwas siya dahil hindi niya inaasahan ang pag-uwi ni Anthony.

"Kailan ka pa umuwi?"bagamat nagulat si Ceryna ay naroon ang kasiyahan na nakauwi na si Anthony.

"Kanina lang madaling araw," nakangiting sagot nito habang hinihimas ang buhok ni Kael.

"Bakit hindi mo man lang ako tinawagan na uuwi ka na pala sana ay nasundo ka namin," sumandal si Ceryna sa headboard at humalukipkip.

Hindi nagsalita si Anthony sa halip ay humiga sa tabi ni Kael at niyakap ang anak at pinupog ng halik sa pisngi ang bata.

Nakangiting pinagmasdan ni Ceryna ang dalawa habang sa sulok ng puso niya ay nakaramdam siya ng lungkot at panghihinayang.

Bahagyang siyang natigilan. Panghihinayang? Para saan? Mabilis niyang inalis sa is
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Glenda Pestano
thank you po sa update... more pls.
goodnovel comment avatar
Nurissa Ubahin
wag Kang makonsenxa ceryna dhil may usapan NMn Pala kau,,,at isa pa d kau tunay na kasal Ginamit kalng dn ni Anthony
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 49

    PAPUNTA si Adrian sa opisina ni Ricardo nang biglang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan muna niya kung sino ang tumatawag bago ito sagutin. Si Brix. Kaagad niya itong sinagot. "Brix," bungad niya at sa hindi sinasadya ay namataan niya si Ceryna at Anthony sa loob ng mansion na magkaagapay palabas. Bahagya pa siyang nagulat nang makita si Anthony. Kailan pa ito dumating? Bahagyang naningkit ang mga mata niya nang makitang nakahawak ang kamay ni Anthony sa balakang ni Ceryna. Nakabihis ang dalawa at mukhang aalis at hindi kasama si Kael. Malayo pa lang ay kitang kita na niya ang masayang mukha ni Ceryna habang kausap si Anthony. Kakaiba ang aliwalas ng mukha ni Ceryna at sa paningin niya ay kakaiba ang gandang tinataglay nito ngayon araw. Bigla ay naalala niya kung paano ito mahumaling sa mga bisig niya na tila ba walang hadlang sa kanilang dalawa. How deeply he missed her moans and the sound of her screaming his name as she reached her climax. Suddenly, he felt something sti

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 48

    Naalimpungatan ng umagang iyon si Ceryna. Pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanya habang natutulog. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata upang magulat lamang nang makita si Anthony na nakaupo sa gilid ng kama katabi si Kael na mahimbing pa rin ang tulog. Napabalikwas siya dahil hindi niya inaasahan ang pag-uwi ni Anthony. "Kailan ka pa umuwi?"bagamat nagulat si Ceryna ay naroon ang kasiyahan na nakauwi na si Anthony. "Kanina lang madaling araw," nakangiting sagot nito habang hinihimas ang buhok ni Kael. "Bakit hindi mo man lang ako tinawagan na uuwi ka na pala sana ay nasundo ka namin," sumandal si Ceryna sa headboard at humalukipkip. Hindi nagsalita si Anthony sa halip ay humiga sa tabi ni Kael at niyakap ang anak at pinupog ng halik sa pisngi ang bata. Nakangiting pinagmasdan ni Ceryna ang dalawa habang sa sulok ng puso niya ay nakaramdam siya ng lungkot at panghihinayang. Bahagyang siyang natigilan. Panghihinayang? Para saan? Mabilis niyang inalis sa is

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 47

    MULA SA OPISINA NI GILBERT SA MANSION AY TANAW ni Adrian si Kael na nakikipaglaro kay Mitch. Kagabi, narecieve niya sa email ang DNA result nilang dalawa ni Kael. Nang araw na malaman niya na si Ceryna ang asawa ni Anthony at anak ni Ceryna si Kael ay nagduda na siya. Nang araw din iyon ay kumuha siya ng sample mula kay Kael at pinatest niya. Sa bahay nila Claire at Ricardo siya nagpalipas ng buong gabi. Sa kabila nang malakas ang paniniwala niya na anak niya si Kael ay hindi pa rin siya nakatulog. At sa unang pagkakataon ay iniyakan niya iyon buong magdamag. Sobrang sakit para sa kanya na makita ang anak niya na iba ang kinikilalang ama. Matutulad ba si Kael sa kanya na lumaki sa ibang pamilya? Lagi na lang ba ganoon ang sitwasyon niya? Bilang isang anak na tinago sa matagal na panahon at ngayon bilang isang ama na nagkukubli sa dilim? Na sa kasalukuyan ay hanggang tanaw lamang sa sariling anak? History repeats itself. Sobrang nakakadurog ng puso ang mga nangyayari sa buhay niya.

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 46

    "SIR ADRIAN, CONFIRM. MAY MGA DIAMONDS SA LOOB ng object na ito," sabi ni Brix habang nakatuon ang buong atensyon sa monitor at namamangha ang mukha. Mas malinaw nilang nakikita ngayon sa scanner ang nasa loob ng object. "Literal na tinatago niya ang mga diamonds na sinasabi ni Mr. Rodriguez sa collection niya," ani Jordan na hindi makapaniwala sa nakikita. Matamang nakatingin si Adrian sa monitor at malalim ang iniisip. Hindi siya makapaniwala na may ganoong bagay na pa-aari si Anthony. "Dalhin nyo ngayon sa isang alahera iyan, baka may machine sila na pwede matukoy kung totoong diamond ang nasa loob ng bagay na iyan," seryosong utos ni Adrian. "As soon as possible, kailangan maibalik ko rin iyan," dugtong pa nito. "Copy, Sir," halos sabay sa tugong ni Brix at Jordan. "I have to go, may iba pa akong aayusin," paalam niya at umalis na. Malaking palaisipan kung saan kinukuha ni Anthony ang ganoong bagay, at kung dumaan ba ito sa tamang proseso. Paniguradong lahat ng coll

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 45

    "ANTHONY TOLD ME YOU'RE GOING TO RESIGN today," ang mga mata nito ay seryosong nakatingin sa kanya. Malayo sa ugali ni Anthony na laging nakangiti. Napalunok siya bago sumagot. "It's true, Doc," maikling tugon niya at yumuko. "What's the reason of a sudden resignation?" tanong nito. Naisip ni Ceryna na mukhang wala pang alam ang doktor sa kalagayan niya. "It's personal, Doc," iyon lang ang sinagot niya dahil ayaw na niyang ilatag ang anumang dahilan dito. Narinig pa niyang pumalatak si Anthony pero hindi ito nagsalita. Nakatingin lamang ang doktor sa kanya at para bang bitin sa sinagot niya at naghihintay pa ng karudgtong. "I can't accept you resignation," deretsahang sabi ng doctor sa kanya. "Mahirap humanap ng katulad mo na dedicated sa trabaho," wika nito. Kung sa ibang pagkakataon ay baka maaappreciate niya ang komento nito sa kanya, pero totoo ba ang sinasabi nito? "Thank you po," mahina namang sambit niya. "But my decision is final," pinagmatigasan na niya ang

  • Loving You in the Dark   CHAPTER 44

    "MARRY ME, CERYNA." Namilog ang mga mata ni Ceryna sa sinabi ni Anthony dahil hindi niya inaasahan na maririnig sa kaibigan niya ang salitang iyon. Maya maya ay humagalpak ng tawa si Ceryna. Nakaramdam ng inis si Anthony sa naging reaksyon ng kaibigan. Hinayaan siya nitong tumawa nang tumawa hanggang siya na mismo ang napagod sa katatawa, hanggang ang tawa niyang iyon ay napalitan ng impit na iyak. "Magkaibigan nga tayong dalawa," sabi ni Ceryna habang pinupunasan ang luhang sanhi ng pagtawa at pag-iyak niya. "Padalus-dalos tayo, hindi tayo nag-iisip," kumuha siya ng baso at nagsalin ng malamig na tubig. "Iyon lang ang paraan para matulungan kita," tugon naman ni Anthony. "Anthony, alam mo ba ang sinasabi mo?" tanong niya rito, "Matatali ka sa isang responsibilidad na hindi naman ikaw ang ama. Napabuntong hininga si Anthony. "You know mo, Ceryna," tiningnan siya ni Anthony, alam na ni Ceryna ang ibig sabihin nito. "I'd rather choose to marry you than marry someone I do

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status