ログインTILA HINDI MAPANUTO ang dalawang magkapatid sa nakikitang mukha ni Adrian. Para bang hindi maganda ang gising ng binata at mainit ang ulo. Lihim na nagtinginan si Ricardo at Gilbert. "Why did you leave the house, knowing I hadn't arrived yet?" tanong nito kay Gilbert na parang bata lamang ang ama. "I-I'm with my driver," bahagyang nautal si Gilbert at tumingin kay Ricardo. Nagtaka naman si Ricardo sa tono ng pananalita ni Adrian. Tila galit nga ito. May nangyari ba dito na ikinagalit nito? "Exactly, Dad. Did you forget?... you have been recieving multiple death threats?" may pang-uuyam ang tono ni Adrian at pabagsak na naupo sa sofa. Si Gilbert ay hindi alam kung paano patutunguhan ang ganoong ugali ng anak. Marahil ay hindi niya lubusang kabisado ang ugali nito dahil sa matagal itong nawalay sa kanya at ang katotohanang hindi naman siya ang nagpalaki kay Adrian. "Actually, I'm about to leave-" "And now you're leaving without me? Are you planning to terminate me?" tini
"DAMN IT!" mahinang usal ni Adrian habang mariing nakahawak sa manibela. Mula sa loob ng sasakyan niya ay pinakikinggan niya ang usapan ni Anthony at Ceryna sa loob ng silid ni Kael. Gusto niyang pasukin si Anthony sa loob ng silid ni Kael at gawin ulit dito ang ginawa niya noon. And this time, parang gusto nga talaga niyang tuluyan ito. Nilagyan niya ng bug ang silid ni Kael. Oras na talikuran niya si Gilbert ay binuksan niya ang cellphone niya at halos ang buong usapan ni Anthony at Ceryna ay napakinggan niya. Pakiramdam niya ay hindi siya tatagal pakinggang ang usapan ng dalawa dahil sa selos na nararamdaman sa kaalamang silang dalawa lamang ang nasa loob ng silid na iyon. He was right all along about the marital situation between the two. They never consummated their marital vows. Ang pekeng kasal nila ay pinagtibay lamang ng katotohanan na sa loob ng pagsasama nila ay walang anumang namagitan sa dalawa bilang mag-asawa. Hindi makapaniwala si Adrian na nakapagtimpi si Ant
DAHAN-DAHANG IBINABA ni Ceryna si Kael sa kama upang hindi magising. Bahagya pa itong kumislot nang mailapag niya at tila may inaabot ang kamay. Binuksan niya ang isang ilaw na nakainstall sa dingding malapit sa kama. Hindi gaanong maliwanag iyon pero sapat na upang mapagmasdan ang mukha ng anak. "Dada..." mahinang usal nito. Bahagya siyang natigilan at biglang bumigat ang dibdib nang marinig ang pag-usal ng anak. Sa kamusmusan ng puso ni Kael ay tiyak ang pagkilala nito kay Adrian. Sa edad ng anak niyang iyon ay para bang ang puso nito ang nagturo sa tunay nitong ama. Hinaplos niya ang mahimbing na natutulog na anak at malungkot na pinagmasdan ito. Nangangamba siya sa maaaring mangyari sa kanilang mag-ina oras na ipagtapat niya kay Anthony ang totoo. Bigla ay sumagi sa isip niya ang galit na mukha ni Anthony at ni Gilbert habang naghihintay kanina sa pagdating nila. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at pumikit ng mariin. Anong gagawin niya ngayon? Kung hindi
TAHIMIK NA BUMABA ng hagdan si Adrian. Ang mukha niya ay puro talsik ng dugo gawa ng pagkakadura ni Anthony sa kanya. Ang puti niyang damit ay may bahid din ng dugo. Ganoon din ang kamao niyang namumula. Ang relong regalo ng Daddy niya ay nasira dahil hinaklit iyon ni Anthony habang sakal sakal niya. Nang makita siya ng katulong sa living area ay napasigaw ito sa takot at sa nakita sa mukha niya. "Call the ambulance," malamig ang tonong utos niya sa katulog nanangangatog sa takot. Dali-dali itong sumunod at tumawag ng isa pang katulong. Kalmadong lumabas si Adrian ng mansion at tinungo ang gazebo kung saan naroon pa rin ang Daddy niya at ang asawa nito. Walang kamalay malay ang dalawa sa paglapit niya habang masayang nagkukuwentuhan ang mga ito. "Take Anthony to the hospital," kay Gilbert siya nakatingin. Nanlaki ang mga mata ni Gilbert nang makita siya at hindi kaagad nakapagsalita sa pagkagulat. Napalingon si Karen sa kanya at nang makita siya ay napatili sa takot. Tum
SUMMER VACATION NOON, gaya nang napagkasunduan ni Adrian at ni Gilbert, ang unang linggo ng bakasyon niya ay nilalaan niya sa mansion ni Admiral. Buhat ng mapangasawa nito si Karen ay tuluyan nang dumalang ang pagpunta niya sa mansion. Si Gilbert na lang din mismo ang nakiusap kay Claire na magkaroon sila ng kasunduan ni Adrian na ang unang linggo ng bakasyon ay ilalaan niya sa mansion. At nakumbinis ni Claire si Adrian. Sa kabila ng kasunduang iyon ay madaming habilin sa kanya si Claire. Admiral ang itawag sa Daddy niya. Nandoon siya bilang pamangkin at nagbabakasyon lamang. Hanggang ang set up nila ng Daddy niya ay nakasanayan na niya. Ang alam ni Karen ay pamangkin siya ni Claire, at dahil hindi magkakaanak si Claire dahil sa deprensya nito sa matris, inampon siya ng mag-asawa. At ang alam ni Karen ay namatay ang unang asawa ni Gilbert sa panganganak kasama siya. Lahat ng iyon ay inilihim ng ama niya dahil sa ambisyon nito. Hinangad ni Gilbert mapangasawa si Karen dahil sa impluwe
"I LET YOU DECIDE about your marriage with Anthony. But about Kael, I want them to know the truth. Let me speak about it with Anthony. Gusto kong ako ang kilalanin ni Kael na daddy niya, sa ayaw at sa gusto mo. Let me do my part as his father," puno ng determinasyong saad ni Adrian. Nasa loob na sila ng sasakyan at yakap ni Ceryna ang natutulog na anak. Napapikit siya dahil nahihirapan siya ngayon sa sitwasyon niya. Naiipit siya sa tatlong malalaking bato. Naisip niya ang kanyang byenan na sobrang mahal si Kael, at nakasisiguro siyang masasaktan ito. "Sa gagawin mong iyan, hindi ba mas dehado ang kalagayan ko?" alam niyang balewala kung tututol siya sa kagustuhan ni Adrian. "I'm just here. If Anthony and Admiral despise you, I'm here. Just trust me." Gustong maniwala ni Ceryna pero mas lamang ang pagaalinlangan niya. "What if... ilayo nila ang anak ko sa akin?" nanginig ang boses niya at tumingin kay Adrian. "Please, hayaan mong ako ang magsabi kay Anthony tungkol sa iyo at







