LUCY'S POV“Good morning, Ms. Lucy,” bati sa akin ni Feron pagbaba ko pa lang ng hagdan.“Yeah, morning.” Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Medyo nahihiya pa rin ako. Dahil sa nangyari sa amin kagabi, paano ko pa siya haharapin?!Mas kaya ko siyang tingnan nang mata sa mata kahit nakita niya ang pagiging desperada ko kay Andrew, pero ang nangyari kagabi… Hindi ko alam kung paano ako aakto ng normal sa harap niya!“Nasaan si Aling Beng?” tanong ko habang palinga-linga, mas mainam kung nandito siya para hindi naman gano’n ka awkward ang atmosphere sa paligid.“Ah. Nagkaro’n ng emergency sa probinsya nila, kailangan niyang umuwi… Kahapon pa siyang wala rito,” paliwanag niya at saka nagsimulang maghain ng pagkain sa lamesa.Naguguluhan ako kung matutuwa ba akong kami lang dalawa ni Feron ang nandito kagabi o dapat ba akong malungkot dahil kami lang ulit dalawa ang magkasama ngayon.“Gano’n ba,” awkward na sagot ko. “Mamaya na ang fitting ng wedding gown na gagamitin ko para sa kasal nami
Last Updated : 2025-11-13 Read more