Book 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricAMARIE'S POV:Pagdating ko sa faculty room ay may pinagpupulungan na naman ang mga kapwa ko guro roon. Bigla silang nagsihiwalayan nang makita nila ako, parang mga dagang nahuli ng pusa. May ilan pang nagtaasan ng kilay, bakas ang mapanghusgang mga mata. Tumayo si Linzey, halatang handang patulan ang mga ito, kaya dali-dali ko siyang inawat at marahang hinila pababa sa upuan.“Bakit mo ako pinigilan, ha? Malamang yang mga yan, na-real talk ko na sana ngayon dahil sa bulok ng kanilang ugali,” gigil na saad niya, halos pumutok ang ugat sa leeg.“Huwag mo nang patulan, sayang lang ang oras mo sa kanila. Saka ako magsasalita kapag sinaktan na nila ako physically,” mahinahon kong sagot sabay upo, kahit ramdam ko ang kirot sa dibdib.“Hay naku, masyado ka kasing mabait kaya ka nila ginaganyan,” singhal niya, tila ba gusto niyang manampal.“Hindi ah. Marunong din naman akong magalit,” saad ko. Sa totoo lang hindi iilang beses na gusto ko silang patul
Last Updated : 2026-01-11 Read more