ELARA'S POV:Simula nang nagkaro’n ng aminan sa pagitan namin ni Rhett ay mas naging lantaran ang pagiging sweet niya. Hatid-sundo ako araw-araw, wala siyang pakialam kahit pinagtinginan pa kami ng mga tao. Habang ako ay ramdam ang paghihirap at bigat sa puso ko dahil CEO siya samantalang ako? Isang barista lang sa kilalang café.Habang nag-re-refill ako ng cups, bigla akong tinawag ni ma’am Natally.“Let’s talk, Ms. Elara.” seryoso niyang sabi, sabay talikod papunta sa office.Kinabahan ako. “Clarie, ikaw na muna dito ha. Kakausapin lang ako ni ma’am,” sabi ko bago ako pumasok sa office.Pagbukas ko ng pinto, nakatingin na siya diretso sa akin, para bang inaasahan na niya ang pagdating ko. “Please come in. Have a seat,” malamig niyang sabi.Tahimik akong umupo. “Ano pong pag-uusapan natin, ma’am?”Nagbuntong-hininga siya. “Alam kong dedicated ka sa trabaho mo, Elara. For the past two years, nakita ko lahat ng effort mo. Pero sa tingin ko ay kailangan mo munang magpahinga.”Parang ma
Last Updated : 2025-11-22 Read more