ELARA’S POV:Kung tinatanong niyo kung nagkaroon ba ng mga araw na naisip ko si Rhett, oo. Hindi lang araw kundi ilang taon. Ilang beses ko ring tinanong ang sarili ko kung ni minsan ba, napaisip ba siya kung bakit niya ako hinusgahan agad? Sa tatlong taon naming pagsasama, nasaktan ba siya kahit kaunti man lang nang bigla akong nawala? Hinanap ba niya ako kahit isang beses man lang?I lived with those questions hanging over my head. Hindi sila nawala kahit gaano ko pa gustong limutin. At sa tagal ng panahong iyon, galit lang ang baon ko sa dibdib. Galit na naging parte ng pagkatao ko, parang anino na sumusunod saan man ako magpunta.Pero ngayon, I’m glad because finally, natutunan ko ring magpatawad. Hindi para sa kanya. Hindi para sa kahit na sino, kundi para sa sarili ko. Gusto kong mabuhay ng tahimik. At habang natutunan kong piliin ang kapayapaan, natutunan ko rin na hindi lahat ay kailangang kimkimin dahil masisira ka. Some memories are worth keeping. Some need to be let go, lal
Last Updated : 2025-12-02 Read more