ELARA’S POV:Iniabot ng ring bearer ang singsing kay Rhett at sa sandaling iyon ay parang huminto ang oras. Naramdaman ko ang bigat ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, puno ng pangako at pananabik.“Rhett Alaric, please face Elara Renoir and repeat after me,” mahinahong saad ni Pastor.Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang isinuot ang singsing sa palasingsingan ko. Nanginginig ang kamay niya, ngunit matatag ang titig sa akin, para bang sinisiguro niyang ako ang pinili niya araw-araw.“I, Rhett Alaric, take you, Elara Renoir, to be my wife. I promise to love you as Christ loves, to honor and cherish you, in good times and in difficult times, in sickness and in health, all the days of my life, as God is my witness.” saad nito.Parang may mainit na dumaloy sa dibdib ko habang binibigkas niya ang bawat salita. Hindi iyon basta pangako. Panata iyon sa harap ng mga taong nandito ngayon, sa pamilya ko, kaibigan sa pastor at maging sa harapan ng Diyos.Iniabot naman ng ring bearer
Last Updated : 2025-12-21 Read more