ELARA'S POV:Ngayon ang araw na madi-discharge kami ng mga kambal sa hospital. Parang kahapon lang ako nanginginig sa delivery room, ngayon ay nakikita ko na ang dalawang munting himala sa buhay namin ni Rhett. As usual, kasama ang parents namin sa pagsundo sa amin at ramdam ko agad ang saya kahit pagod at masakit pa ang buong katawan ko.“Ang cute talaga ng mga pamangkin ko, mana sa magandang genes ko!” saad ni Eirina, halos mangigil sa tuwa habang nilalapitan ang mga kambal. Gusto niyang buhatin ang mga ito pero sinalubong siya ng matalim kong tingin kaya hanggang haplos lang siya sa pisngi ng mga bata. Karga nina mama at papa ang dalawa, parang ayaw din nilang ipahiram.“Nah, sa akin sila nagmana, ate. Tingnan mo na naman oh!” sagot ni Ethan sabay turo sa mukha niya na parang pinapakita ang ebidensya.“Huwag na nga kayong mag-away. Sa akin nagmana ang mga apo ko, diba Rhevan at Elraeh?” masayang sabi ni mama habang kinakausap ang mga kambal na tila ba naiintindihan siya ng mga ito.
Last Updated : 2025-12-29 Read more