Parang bumagal ang oras nung tumigil ang mga mata ko kay Mariel. Nandoon siya, nakaupo sa isang wheelchair ng ospital, hindi gumagalaw ang mga paa niya sa ilalim ng manipis na light-blue na kumot na hindi man lang natatakpan ang totoo, na hindi niya kayang igalaw ang mga binti niya. Ang buhok niya, na dati laging ayos at perfect, ngayon ay magulo at tuyot, nakalugay ang sa balikat niya. Yung mukha niya, na dati laging fully made-up para magpa-impress, ngayon ay sobrang maputla, may malalim na eyebags na halatang galing sa gabi-gabing walang tulog at puro sakit.Parang kumabog ang puso ko, hindi dahil sa takot, pero dahil sa isang halo ng gulat, satisfaction, at kung ano pa na hindi ko ma-explain nang buo. Parang lahat ng buwan na puro stress, lahat ng gabi na hindi ako makatulog sa kaiisip kung paano niya sinubukan sirain ang buhay ko, lahat ng luha na iniyak ko dahil sa mga ginawa niya, parang lahat ‘yon ay biglang nagkaroon ng sagot mula sa universe.Sinubukan niyang gumalaw, paran
Read more