Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa sunod-sunod na vibrate ng phone ko sa tabi ng unan. Agad akong napabangon habang mabilis ang tibok ng puso ko, umaasang si Kuya iyon o baka hospital reminder lang. Pero nang makita ko ang pangalan sa screen, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Sam. Tatlong missed calls. At limang messages. Hindi ko agad binuksan ang mga iyon. Tahimik lang akong nakaupo sa kama habang nakatitig sa screen, pilit nilalabanan ang sarili kong huwag siyang pansinin. Pero sa huli, nanaig pa rin ang curiosity at sakit na matagal ko nang hindi matakasan. Sam: Please talk to me. Sam: Hindi ganito yung gusto kong mangyari. Sam: Ave, let me explain everything. Sam: Please answer your phone. Sam: I’m outside. Nanlaki agad ang mata ko. Outside? Mabilis akong tumayo at sumilip sa bintana. Halos mawalan ako ng hininga nang makita ko ang sasakyan niya na nakaparada sa tapat ng bahay. Nakasandal siya roon habang nakatingala sa bintana ng kwarto ko, parang alam
閱讀更多