Medyo magulo pa ang buhok niya. Nakakainis lang na kahit nasa ganitong sitwasyon ako ay nagagawa ko pa rin puriin ang itsura niya. Oo na. Siya na ang pogi kahit kagigising lang. Kainis!"Ojiisan said, you should help prepare breakfast, since you're already married and all," may pang-aasar niyang sabi na akala mo, e, wala sa harapan ang kaniyang Lolo. Kung wala lang dito ang matanda ay baka naikutan ko na naman siya ng mata. Halata naman kasing nang-aasar na naman. Napaka-insensitive, ha. "Don't worry about it," he added with a chuckle. "I'll explain everything later. Just relax."Ay, dapat lang. Hindi puwedeng sa loob ng isang linggong pananatili ko rito ay clueless pa rin ako sa paligid. Paano na lang kung miyembro pala ng Yakuza itong pamilya nila dito? Mas mabuti na 'yong handa, 'no. Kinunutan ko na lang ng noo ang katabi, pero sa huli ay napatitig ako sa kaniya. Hindi dahil napopogian na naman ako sa kaniya, given na 'yan since day one. Napatitig ako kasi kahit papaano ay naibs
Read more