LOGINBinantayan ko si Gavin habang naglalaro ng kaniyang mga laruan pero bigla n’ya na lang ‘yong itinapon at nagwala kaya nataranta ako.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil ito ang unang pagkakataon na nagbantay ako ng bata.
Kinuha ko s’ya at kinarga saka ito pinatahan sa pag-iyak. Mukhang na bo-bored s’yang maglaro ng mag-isa. “Gusto mong mag play tayo?”tanong ko sa kaniya na ikinatigil nito sa pag-iyak. Pinunas ko ang luha ng bata bago s’ya ibinaba sa sahig. “Mag hide and seek tayo. Magtatago ka tapos hahanapin kita, okay ba?”mainahong tanong ko sa kaniya. Kaagad naman s’yang ngumiti at tumango sa sinabi ko kaya kaagad itong tumakbo. Nakangiti akong tumalikod at pumikit ng mata at nagbilang nang hanggang tatlo bago ko s’ya sinumulan na hanapin. “Gavin, where are you?”tawag ko sa kaniya habang hinahanap s’ya pero kanina ko pa nakita na nakatago sa ilalim ng mesa. “Gavin? Where are you?”tawag ko ulit sa kaniya habang paikot-ikot sa kusina. Rinig na rinig ko ang paghagikhik n’ya sa ilalim ng mesa kaya bigla ko itong sinilip na ikinasigaw nito at napatakip pa ito sa mata habang tumatawa. Lumabas s’ya sa ilalim ng mesa at kaagad na niyakap ang leeg ko kaya binuhat ko s’ya at pinanggigilang halikan sa pisngi. “One more, one more”sabi n’ya kaya ibinaba ko s’ya sa sahig at nagsimula na namang mag bilang. Nakita ko s’yang tumakbo papunta sa sala at nagtago sa likod ng sofa kaya napangiti ako. “Gavin, nand’yan na ko”sabi ko habang mabagal na naglalakad papunta sa sala pero humahagikhik s’yang lumabas sa pinagtataguan n’ya at humiga sa sahig kaya kaagad ko s’yang dinaluhan at hinawakan ang tiyan n’ya na mas lalo n’yang ikinatawa. Napatigil ako ng mapatingin kay Sir Elle na kakapasok lang galing sa labas. Nanalaki ang mga mata ko dahil hindi ko alam na nandito s’ya, akala ko kasi nasa trabaho na s’ya. “Good morning po, Sir Elle”nakangiting bati ko sa kaniya. Iba pala ang hitsura nito kapag nakapang-bahay lang malayo sa hitsura nitong seryuso kapag nakasuot ng black suit “Mukhang nag e-enjoy ka naman”anito. Pilit naman akong ngumiti sa kaniya dahil unang araw ko palang, hindi ko pa masasabi kong mag e-enjoy ba ako o hindi. “One more! One more!”excited na sabi sa’kin ni Gavin sabay yakap sa’kin kaya napatingin ako kay Sir Elle pagkuwa’y binalingan si Gavin. “Okay, okay”sabi ko bago nagbilang ulit nang hanggang tatlo. Humahagikhik naman s’yang bumitaw sa’kin at tumakbo papunta sa Daddy n’ya saka nagtago sa likod nito. “Gavin, where are you?”tanong ko habang nagpapanggap na hindi s’ya nakikita. “Stop this nonsense, Xyla. Dalhin muna si Gavin sa kwarto n’ya tapos ‘don na lang kayo maglaro ng tahimik”pahayag ni Sir Elle bago ako nito nilampasan at umakyat sa hagdan pataas. Tiningnan ko si Gavin na nalungkot kaya kaagad ko s’yang kinuha at kinarga,hinawakan ko ang maliit n’yang pisngi at hinaplos iyon. Maaring three years old palang s’ya pero nakakaramdam at nakakaintindi na s’ya ng mga bagay-bagay. What’s wrong with him? Bakit ganito ang trato n’ya sa bata. Niyakap ko si Gavin at hinaplos ang likuran nito. “It’s okay, baby. Let’s play to your room, okay?”saad ko. Yumakap s’ya sa leeg ko at naramdaman kong tumango ito kaya buong lakas ko s’yang binuhat pagkuwa’y naglakad patungo sa kwarto n’ya. Inilapag ko si Gavin sa ibabaw ng kama bago ko isinarado ang pintuan. Nakangiti ko s’yang hinarap bago ipinaliwanag ang laro namin. “Okay, ang lalaruin natin ngayon ay prinsess and prince. Ikaw ang prince at ako naman ang princess and let’s sing a song, okay? Naiintindihan mo?”tanong ko sa kaniya. “Yeah, yeah!”magiliw n’yang sagot sa’kin kaya kinuha ko ang towel at ibinigkis iyon sa leeg n’ya para maging kapa. Ang kumot n’ya naman ang ibinigkis ko sa’kin para parehas kami. “Okay, let’s start”nakangiting sabi ko bago sinimulan na kumunta ng Love story by Taylor Swift. “We were both young when I first saw you,I, Close my eyes and the flashback starts
I'm standing there, on a balcony in summer air
See the light, see the party, the ball gowns,
I see you make your way through the crowd,
And say "Hello", little did I know”kanta ko.
Hinawakan ko ang maliit na kamay ni Gavin at pina-ikot-ikot s’ya sa ibabaw ng kama. Napahagikgik naman s’ya sa pagtawa, feel na feel ko talaga ang kumunta ngayon kahit binilin ni Sir Elle na tahimik lang kaming maglaro. “That you were Romeo,You were throwin' pebbles
And my daddy said "stay away from Juliet",
And I, was cryin' on the staircase beggin' you please "Don't go!"pagpapatulot ko.
Ako naman ang umikot habang hawak ang kamay ni Gavin. “And I said "Romeo take me somewhere we can be alone, I'll be waitin' all there's left to do is run!You'll be the prince and I'll be the princess
It's a love story baby just say "Yes".
Kinuha ko s’ya at binuhat saka s’ya inikot-ikot sa ere pagkuwa’y pinaggigilan ko s’yang halikan kaya tumawa ito. Nakakahawa ang tawa nito kaya natawa na ‘din ako at hingal na hingal na natapos ang laro naming dalawa pero mukhang wala itong kapaguran dahil niyaya pa ako nitong maglaro kaya naghabulan kami sa loob ng kwarto n’ya. Ako naman ang humabol kay Gavin, kinikiliti ko ang tagiliran n’ya at inaamoy ang kilikili n’ya kapag nahuhuli ko s’ya kaya nag babardagulan talaga kami dito sa kwarto. “Tama na, Gab-Gab dahil pawis na pawis kana”sabi ko sabay hawak sa noo n’yang pawisan. Gab-Gab na lang ang itatawag ko sa kaniya dahil masyadong napo-pormalan ako sa Gavin. Tumango naman s’ya at yumakap sa’kin. Kumuha ako ng towel saka s’ya pinunanasan ng tawis pati ang basa n’yang likuran. “Nagugutom kana? Gusto mong kumain ng cocumber salad?”tanong ko sa kaniya. Nakita kong maraming cocumber sa fridge kaya sayang naman kong hindi mapapakinabangan. “Yes, yes. I want cocumber”magiliw na sabi n’ya kaya napangiti ako. “Palitan muna kita ng damit dahil basa sa pawis ‘tong likod mo”sabi ko. Sando ang isinuot ko sa kaniya para presko. Pinulbohan ko s’ya bago kami lumabas ng kwarto. Hawak ko ang kamay n’ya ng magtungo kami sa kusina, pinaupo ko s’ya sa upuan bago ako nagtungo sa tapat ng malaking fridge at binuksan iyon. Kumuha ako ng dalawang cocumber, kamatis, itlog, sibuyas at mayonaisse. Mabilis kong binalatan at hiniwa ang cocumber, kamatis at sibuyas ng maliliit habang ang itlog naman ay pinakuluan ko. Pagkatapos maluto ng itlog dinurog ko ito at isinabay na hinalo sa cocumber, kamatis at sibuyas saka iyon nilagyan ng Mayonaise at kunting asin. Napatango-tango ako ng tikman ko ‘yun.Sinubuan ko ‘din si Gab-Gab at first napangiwi ito pero nagpasubo parin sa’kin
"Where have you been, pinasundo kita kanina pero ilang oras nag hintay sa'yo ang driver tapos 'yun pala wala na kayo dahil nag swi-swimming na"sermon sa'kin ni Sir Elle ng makauwi kami ni Gavin.Sobrang nag enjoy kami sa tubig kaya hindi kuna namalayan ang oras na madilim na pala. "Sorry po—Sir"paghingi ko ng pasensya."Hachuuuu!"napahawak ako sa bibig ko ng bumahing ako."Sige na, magbihis kana"anito.Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina kaya nag swimming 'din akong kasama ni Gavin dahil sa sobrang init ng panahon kaya umuwi akong nanginginig sa lamig dahil basang-basa ako, mabuti si Gavin dahil may dala akong extra na damit.Ang lamig ng tubig kaya talagang napalusong ako, hindi ko naman pinagsisihan ang ginawa ko kaya okay lang masermonan. Iyan ang sabi na—enjoy now, iyak later.Dali-dali akong nagtungo sa banyo at naligo. Mabilis lang akong naligo dahil bahing ako ng bahing mukhang sisipunin pa yata ako.Kaagad akong uminom ng gamot ng matapos akong maligo, nanatili 'din ako s
"This is your school, Mommy?"tanong ni Gavin ng makarating kami sa school ko, mabuti na lang dahil nagustuhan n'ya ng maglakad kaya hawak-hawak ko ang maliit n'yang kamay.Papunta kami ngayon sa cafeteria baka kasi gutom na si Gavin kaya kailangan kuna s'yang pakainin, mamayang 1pm pa naman ang meeting ko kay Dean."Yes, Gab-Gab ito ang school ni Mommy"nakangiting tugon ko.Wala bang pasok?Bakit walang mga students? Kinakabahan na ako kaninang pagpasok ko kasi baka tanungin ako nila tungkol kay Gavin pero hindi naman ako nangangamba dahil dito sa school ko normal lang ang may dalang bata dahil karamihan sa nag co-college dito ay may anak na."I want this school, mommy"anang ni Gavin ng papasok kami sa cafeteria."Do you want to enroll here?"tanong ko sa kanya.Tumango s'ya. "Yes"Mahina akong tumawa, sa sobrang yaman ng Daddy n'ya impossible na dito s'ya mag-aral baka nga sa ibang bansa pa s'ya pag-aralin.Kasama ko si Gavin na nag order ng pagkain, sisig ang inorder kong ulam. Chicke
Kinabukasan, nagising ako na wala na sa tabi ko si Gavin kaya kaagad akong bumangon sa kinahihigaan at dali-daling lumabas ng kwarto para hanapin s'ya.Nanlaki ang mga mata ko ng matagpuan ko s'ya sa kusina kasama si Sir Elle pareho silang naka-upo sa bawat dulo ng mahabang mesa."Gavin, eat your food"utos ni sir Elle sa bata na tila pinaglalaruan lang ang cereal na nasa harapan n'ya.Hayst. Daddy ba talaga 'to ni Gavin? Hindi n'ya alam ang ayaw at gusto ng bata basta kung ano ang gusto n'ya 'yun ang masusunod. Bumaling sa kinatatayuan ko si Gavin sabay ngiti kaya ngumiti 'din ako sa kanya at lumapit."Mommy"masigla n'yang tawag sa'kin.Hinawakan ko ang maliit n'yang pisngi at hinaplos iyon."Finish your na Gab-Gab para mag play na tayo after mong kumain"mahinahon kung sabi.Umiling s'ya. "I don't want that food, mommy. It's disgusting, I want eggs and veggies that Nanay Edga cooked for me"Ngumiti ako sa kanya bago ko binalingan si Sir Elle na walang imik na nakatingin sa'min ni Gav
Dumating na 'yung mga inorder ko from Shein kaya tuwang-tuwa kami ni ate Edna dahil kasyang-kaysa ang mga na-order ko para kay Gab-Gab.Kaya kaagad ko siyang pinaliguan at binihisan dahil lalabas kami ngayong araw.Nagsuot ako ng maikling short, blouse at flat sandals. Naglagay 'din ako ng sunscreen dahil mainit sa labas pati si Gab-Gab nilagyan ko 'din ng sunscreen."Mommy, I like your smell"saad ni Gab-Gab kaya niyuko ko siya na nakatingala sa'kin."Why? Wala naman akong nilagay na perfume, ah"tugon ko sa kaniya.Allergy ako sa pabango kaya hindi ako gumagamit 'non. Alcohol lang ang gamit ko or minsan wala pa nga."Really? But your smell is so good"aniya kaya natawa ako.Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya na kaagad niya namang hinawakan kaya sabay na kaming naglakad palabas ng kwarto."Ang cute naman ng baby namin"bulalas ni ate Edna ng makita si Gab-Gab."Para talaga kayong mag nanay"anito kaya napangiti ako.Kung kasing cute ni Gavin ang magiging anak ko, why not?"Mommy, let's go
Nagising ako kinabukasan ng may maramdaman nakayakap sa'kin kaya kahit antok pa ako talagang nagising ang diwa ko para tingnan kung sino ang nakayakap sa'kin.Napangiti ako ng makitang katabi ko si Gab-Gab sa kama, paano ba s'ya nakarating dito sa kwarto ko? Tulog na tulog pa ang bata kaya hindi na muna ako bumangon total katabi ko naman ang trabaho ko, e."Lumipat siya dito sa kwarto natin dahil gusto ka daw niyang katabi matulog"paliwanag ni ate Edna na nag-aayos ng higaan niya."Magluluto na ako ng almusal"dagdag niya pang sabi bago lumabas ng kwarto.Bumaling ako kay Gab-Gab na himbing parin sa pagtulog sa tabi ko kaya ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Halos 10pm na kasing natapos 'yung klase ko kagabi tapos nagkaroon pa ako ng long quiz at may mga activity pa akong ginawa after that kasi nga kailangan kuna 'yung ipasa mamaya kaya kailangan ko ng mahabang tulog dahil parang ang gaan-gaan ng ulo ko.Mukhang pinapahirapan ako ng mga instructor ko ngayon, naiintindihan ko naman ang p
Maaga akong nagising para surprisahin si Gab-Gab sa paglabas namin. Alam kung matutuwa talaga siya ng todo.Mahimbing s’yang natutulog nang pumasok ako sa kwarto n’ya kaya maingat akong naglakad papalapit sa kama n’ya.“Hey, baby. Wake up”bulong ko sabay hawak at haplos sa buhok n’ya.Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mala anghel n’yang mukha.Sobrang cute n’ya kaya inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at hinalikan s’ya.“Hmmm…”anito sabay mulat ng mata at tingin sa’kin.Malawak akong ngumiti. “Good morning”Kaagad s’yang bumangon at niyakap ang leeg ko. Sunod-sunod ko namang halikan ang mukha n’ya kaya napahagikhik s’ya.Kung ako ang Nanay n’ya hinding-hindi ko talaga s’ya iiwan ng ganito. Magkamatayan na lang pero hindi ko hahayaan na mahiwalay ang anak ko sa’kin dahil hindi ko mawi-witness kong gaano sila ka cute sa umaga.Mukhang nabitin si Gab-Gab sa pagtulog kaya nakatulog pa ito habang karga-karga ko kaya inihiga ko s’ya kama dahil maghahanda pa ako kung ano ng mga dadalhin







