VALERIA POV BUONG araw kong hindi nakita si Carlos. Buong maghapon din ako dito sa loob ng dati kong kwarto at si Yaya Rosa ang nag-aasikaso sa akin. HIndi ko kasi kayang bumangon ng higaan. Feeling ko, kapag pipilitin ko ang sarili ko, kakalas ang bawat parts ng aking katawan Ganoon ang pakiramdam. Ang sakit at hapdi sa aking pagkababae ay tiniis ko. Kahit na may mga gamot na ibinibigay sa akin si Yaya Rosa, hindi pa rin sapat iyun para maging maayos ang kalagayan ko buong araw. "Yaya, si Papa, kumusta po siya?" maya-maya tanong ko kay Yaya. Kakatapos lang ako nitong pakainin at kasalukuyan na itong naghahanda para lumabas ng kwarto "Huwag kang mag-aalal sa Papa, Senyorita. Ako na muna ang bahala sa kanya. Ang alalahanin mo ay ang iyung sarili." sagot din naman nito sa akin. Napatango naman ako "Salamat po, yaya. Pero, si Carlos po..nasaan siya?'" muli kong tanong. Sa nasabi ko na kanina, maghapon kong hindi nakikita si Carlos which is malaking bagay din sa akin iyun. Ka
Last Updated : 2025-12-05 Read more