Share

bilanggo

Author: Nelia
last update publish date: 2026-04-13 19:41:19

Andrea's Point of View

Parang binibiyak ang dibdib ko sa sakit habang pinagmamasdan ko ang pag-alis ng sasakyan ng mga pulis. Nawala sa paningin ko si Damien... ang lalaking nangako na hinding-hindi ako iiwan at pakakasalan ako.

"Tay! Bakit niyo po ginawa 'to?! Bakit?!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mahigpit niyang hawak. Nanginginig ang buong katawan ko at walang tigil ang pag-agos ng luha ko. "Si Damien! Mabuting tao si Damien! Wala siyang ginagawang masama! Maniwala naman kayo s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • OBSESSION His Indecent Proposal   cctv footage

    DAMIEN’S POINT OF VIEW "Mrs. Cojuangco. " bulong ko sa isip ko tuwing mag-isa ako. "Asawa ko na siya. At gagawin ko ang lahat para maprotektahan kayo ni Bianca." Dahil dito, mas lalong tumindi ang apoy sa loob ko. Hindi na lang ito simpleng pagtatanggol sa sarili ko. Ito ay laban para sa pamilya ko. Ginamit ko ang lahat ng koneksyon at yaman na meron ako. Pinakiusapan ko ang abogado ko na galugarin ang bawat sulok, hanapin ang bawat butas, at hukayin ang lahat ng katotohanan laban kay Samantha at sa mga kasabwat niya. Alam kong malakas ang ebidensya nila. Alam kong marami silang pera at impluwensya para dayain ang sistema. Pero hindi nila alam na mas malakas ang dahilan ko kung bakit ako lumalaban. Dumaan ang mga araw at linggo. Bawat pagdalaw ni Andrea, iba na ang saya. Hindi na lang kami magkasintahan, mag-asawa na kami. Iba ang init ng yakap, iba ang tamis ng halik, at iba ang seguridad na nararamdaman ko. Isang araw, bago ang susunod na hearing, tinawagan ako ng abogad

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Sa loob ng selda

    Damien's Point of View Pagkaalis ni Andrea, parang may bagong apoy na nag-alab sa loob ko. Ang init ng yakap niya, ang tamis ng halik niya, at ang katotohanang naniniwala pa rin siya sa akin... iyon ang naging pinakamalakas kong sandata. Hindi na ako pwedeng manatili lang dito na parang kawawa. Kailangan kong lumaban. Para kay Andrea. Para kay Baby Bianca. Para sa pamilyang bubuuin pa namin."Ako so Damien Cojuangco. Pananagutin ko ang mga nasa likod nito " Ginamit ko ang lahat ng resources at pera na meron ako. Inutusan ko ang mga tao ko na kunin ang pinakamagaling, pinakamatalino, at pinakamatapang na abugado sa buong bansa. Hindi ako papayag na manalo ang kasinungalingan. hindi ko pinatay si Claire at iyan ang katotohanan.. At dumating ang araw ng paglilitis. Nakatayo ako sa loob ng courtroom. Suot ko ang magarang damit pero ramdam ko pa rin ang bigat ng sitwasyon. Tahimik ang lahat habang ipinapakilala ang mga testigo ng kabilang panig. Nang tawagin ang pangalan niya,

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Nakaw na sandali

    Andrea's Point of View Napagtanto ko na hindi ko mapipilit si Daddy na palayain si Damien kung patuloy akong magiging matigas at pasaway sa kanya at kung patuloy kong ipipilit ang pagmamahal ko kay Damien. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan kong makalabas ng bahay. Hindi pwedeng ganito lang. Su Damien, alam kong miss na miss na rin niya ako. Kaya kinausap ko si daddy isang araw. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at itago ang tunay na nararamdaman. "daddy... tama po kayo. Pagod na po ako. Kakalimutan ko na si Damien. Gusto ko lang po bumalik sa dati," sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko. "Pwede po ba akong bumalik magtrabaho sa opisina? Para naman may magawa ako at maibsan ang lungkot." Tiningnan ako ni Daddy nang mabuti, tila sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo. Sa wakas, tumango siya at ngumiti. "Iyan. Ganyan dapat, anak. Mabuti naman at natauhan ka na," sagot niya. "Sige, pwede ka nang bumalik magtrabaho. Basta sundin mo ang mga

  • OBSESSION His Indecent Proposal   bilanggo

    Andrea's Point of View Parang binibiyak ang dibdib ko sa sakit habang pinagmamasdan ko ang pag-alis ng sasakyan ng mga pulis. Nawala sa paningin ko si Damien... ang lalaking nangako na hinding-hindi ako iiwan at pakakasalan ako. "Tay! Bakit niyo po ginawa 'to?! Bakit?!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mahigpit niyang hawak. Nanginginig ang buong katawan ko at walang tigil ang pag-agos ng luha ko. "Si Damien! Mabuting tao si Damien! Wala siyang ginagawang masama! Maniwala naman kayo sa akin. ako mismo ang patunay na mabuti siyang tao! Pinagbibintangan niyo lang siya ng mga bagay na hindi naman niya ginawa!" Hinila niya ako papunta sa kotse niya at marahas na pinasakay. Buong byahe ay wala akong ibang ginawa kundi umiyak at isipin kung nasaan na siya, kung nasasaktan ba siya o natatakot. Pagdating namin sa mansyon, agad akong humarap sa kanya. Galit, awa, at pagkadismaya ang halo sa boses ko. "Daddy, pakiusap po! Bitawan niyo siya! Alam kong mali ang lahat ng 'to! Si Da

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Kulungan

    Damien's Point of View Habang isinusuot sa akin ng pulis ang posas, ramdam ko ang lamig ng bakal na dumampi sa balat ko, pero mas masakit ang lamig na nararamdaman ko sa puso ko. Tiningnan ko si Andrea... nakikita ko ang takot at sakit sa mga mata niya. Gusto kong yakapin siya, gusto kong punasan ang mga luha niya, pero hindi ko magawa dahil nakaharang na ang mga pulis sa pagitan namin. 'Andito lang ako, mahal ko. Hinding-hindi ako susuko. Maniwala ka lang sa akin,' bulong ko sa isip ko habang pilit akong ngumingiti para pakalmahin siya, kahit sa loob-loob ko ay naguguluhan at nag-aalala na rin ako. While they pulled me out of the house, I strained to catch one last glimpse of her. I saw her father dragging her away, and her cries calling out my name cut through me like a knife – it felt as if my heart was being ripped right out of my chest. Isinakay nila ako sa likod ng patrol car. Isinara ang pinto at nagkulong ako sa dilim at lamig ng sasakyan. Habang umaandar ito palayo, n

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Pag-aresto

    "Mahal, alis muna ako. Punta lang ako ulit sa bayan," paalam ni Damien habang hinahalikan nang mariin ang noo ni Andrea at ang maliit na noo ni Baby Bianca. Tuwing umaga, iyon ang laging binitiwan niyang salita. Sinasabi niyang may aasikasuhin lang, may bibilhin, o may pupuntahan para sa pag-aayos sa nalalapit ng kasal. Payag naman si Andrea at masaya pa nga ito at iniisip na masipag at maalaga ang lalaking mahal niya. At desidido talaga ito na pakasalan siya. Matyaga niyang tinitiis ang malayo at mahirap na biyahe papunta at pabalik ng bayan. Nakikipag-usap siya sa pari, sa mga taga-lokal, at inaayos ang lahat ng papeles at kagamitan. Gagawin niya ang lahat. Kahit nakakapagod, kahit mainit ang araw o maulan... basta maikasal sila sa lalong madaling panahon at masigurado na hindi na mapaghihiwalay ang kanilang pamilya. Gusto niyang maging legal, gusto niyang maging banal, at gusto niyang isuot ang singsing sa daliri ni Andrea bago pa man dumating ang mga taong gustong pumagi

  • OBSESSION His Indecent Proposal   pagtanggap

    ANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW Pagdating ko sa mansyon ay agad akong pumunta sa kwarto namin ni Damien. Hindi ako makatulog ng maayos – ang mga salita ni Samantha ay patuloy na umaaligid sa isip ko. Sinubukan kong isipin na baka mga guni-guni lang iyon, baka dahil sa sakit niya ay nagbabago na an

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Samantha's fall

    ANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW Hindi ko malaman ang magiging reaksyon ko nang makita ko ang larawan ni Damien at ng ibang babae na sa tingin ko ang pangalan ay Claire. "Sino siya? Babae siya ni Damien? siya ba ang dahilan kung bakit naghiwalay si Samantha at Damien? bakit ang sabi ni Damien sa

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Larawan

    ANDREA DELA VEGA POINT OF VIEW Isang malakas na pagtulak ang ginawa sa akin ng mommy ni Damien. Hilam ng luha ang mata ko sa naging pagtrato niya sa akin. Hindi ko naman sadya na sumagot sa kaniya ng pabarang pero grabe niya kasi ako maliitin. Umalis na siya at naiwan ako rito na patuloy sa paglu

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Ang paghaharap

    Galit ang naramdaman ni Andrea nang sandaling malaman niya na pinagsinungalingan siya ng Doktor na si Damien. Sinundan niya ito upang alamin kung saan ito pupunta at dinala siya nang pagsunod niya rito sa isang malaking mansyon at dito na napalitan ng pagkahiya ang kanina niyang galit. Hiyang-hiy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status