Nakatayo si Javier sa paanan ng kama ni Janine. Nakatingin siya sa bata, hindi bilang isang El Zamora, hindi bilang lalaking binalot ng mga lihim at kasalanan, kundi bilang isang ama na ngayon lang tuluyang humarap sa katotohanan.“Nandito rin ako,” muling nagsalita si Javier, mas malinaw ang boses kaysa kanina, “para sabihing may kilala akong doktor na makakatulong.”Napatingin kaming lahat sa kanya.Hindi agad umasa ang mga mata namin. Sanay na kami sa mga salitang may paraan, may posibilidad, may tsansa. Madalas, ang mga iyon ay nauuwi sa wala.“Ilipat natin ng ospital si Janine,” dugtong niya.Bumigat ang hangin.“Hindi ganoon kasimple iyon,” agad na sagot ni Eli, seryoso ang mukha. “Alam mo ang kondisyon niya. Kahit ang paglipat ng silid—”“Alam ko,” putol ni Javier. “At hindi ko ito sasabihin kung hindi ako sigurado.”Lumapit siya nang bahagya, inilapag ang dalawang kamay sa sandalan ng silya, tila ba inaalalayan ang sarili para hindi matumba sa bigat ng lahat ng nararamdaman ni
Terakhir Diperbarui : 2026-02-04 Baca selengkapnya