Pagbukas pa lang ng pinto ay agad kong naramdaman ang bigat ng presensya sa loob ng bahay. Hindi ito tulad ng ibang bahay na napasukan ko na— walang ingay ng telebisyon, walang halong kaguluhan ng pangkaraniwang pamumuhay. Tahimik.Parang bawat bagay ay nasa tamang lugar, hindi dahil sa kaayusan kundi dahil sa disiplina.Isang babae ang bumungad sa amin.“Ate?” bahagyang tawag niya, pero agad din niyang binawi nang mapansin si Leon.“Kuya Leon,” sabi niya, bahagyang ngumiti.Si Ariana.Hindi ko siya makakalimutan.Siya rin ang babaeng nakita ko noon sa Cebu. Hindi nagbago ang aura niya—kalmado, pero may lalim. Parang may sariling mundo sa loob ng isip niya na hindi basta-basta binubuksan.Saglit na nagtama ang mga mata namin. At sa sandaling iyon, may kung anong pamilyar na dumaan sa pagitan namin.Parang may alam siya. Hindi ko iyon pinansin.“Nasaan si Tito?” tanong ni Leon.“Sa study,” sagot niya. “Pero—”Hindi niya natapos. Dahil sa sandaling iyon ay may isa pang boses ang narinig
Read more