Dumating si Adrian Velasco kinabukasan bago magtanghali. Hindi siya kagaya ng inaasahan ko. Wala siyang dalang malaking team. Wala ring engrandeng dating. Isang medium-sized na hard case lang ang bitbit niya, isang backpack, at isang tahimik na presensya na tila hindi napapansin—pero ramdam.Matangkad siya, payat, naka-salamin, at kalmado ang mga mata. Iyong tipo ng tao na hindi mo mapapansin sa isang masikip na lugar, pero kapag nagsalita, lahat makikinig.Pagpasok niya sa bahay, hindi na siya nag-aksaya ng oras.“Nasaan ang room?” diretso niyang tanong kay Eli.“Sa loob,” sagot ni Eli.Sumunod ako.Pagpasok namin sa command room, agad niyang binuksan ang hard case niya. Maayos ang pagkakaayos sa loob—tatlong high-performance laptops, portable server unit, encrypted drives, at ilang device na hindi ko man lang alam ang tawag.“May stable fiber kayo?” tanong niya habang ikinakabit ang mga kable.“Dedicated line. Separate from main household,” sagot ng isa sa IT ni Eli.Tumango si Adri
Terakhir Diperbarui : 2026-02-16 Baca selengkapnya