Isinara ko ang pinto sa likod ko nang marahan, pero hindi dahil maingat ako sa ingay. Kundi dahil mabigat ang laman ng isip ko. Ang hallway ay madilim. Ang bintana sa sala ay bukas nang bahagya, sapat para pumasok ang hangin ng gabi. Cebu felt closer kaysa sa Maynila. Mas malapit ang mga sagot. Mas malapit din ang panganib. Ibinaba ko ang bag ko sa mesa, tinanggal ang sapatos, at hindi na nag-abala pang magpalit ng damit. Diretso akong umupo sa sahig, sandaling nakasandal sa couch, pagkatapos ay inangat ko ang kamay ko at tinap ang relo. Encrypted line. Isang vibration. Connected. “Natapos mo na ba ang pangangalap ng data kay Eli El Zamora?” tanong ko agad. Walang hello. Si Atlas ay hindi rin mahilig sa unnecessary words. “May partial reconstruction na,” sagot niya, kalmado, mechanical, pero may bahagyang diin sa huling salita. “Partial is not enough,” sagot ko. “Hindi simple ang profile niya.” Tumayo ako at lumapit sa bintana. Sa ibaba, may ilang ilaw ng sasakyan. Normal
Baca selengkapnya