TILA uminit ang hangin, parang may apoy na kumakalat, bumabalot sa buong paligid. Muling naramdaman ni Bettina ang halik ni Evander na may halong pamilyar na amoy na matagal na niyang kinikimkim, isang bagay na lihim niyang hinahangad kahit paulit-ulit niyang itinatanggi sa sarili.Unti-unting kumalat ang init mula sa mga labi ng binata, pababa sa kanyang dibdib, hanggang sa buong katawan. Ang paraan ng paghalik ni Evander ay hindi basta marahan—may diin ito, may angking pag-angkin. Paikot-ikot ang galaw ng labi nito, dahan-dahang dumadampi, humahagod, at tila sinisiyasat ang bawat sulok na para bang ayaw nitong may maiwan siya.Sa isang iglap, tila nabura ang lahat sa isip ni Bettina.Wala siyang marinig, wala siyang ibang nakikita kundi si Evander lang.Ang bawat haplos nito ay parang may dalang kuryenteng dumadaloy sa buong katawan niya. Nanghina ang mga tuhod niya, at parang nawalan siya ng lakas. Kusang kumapit ang katawan niya sa lalaki, para bang iyon na lang ang tanging bagay
더 보기