“SAAN tayo pupunta, kuya?” naguguluhang tanong ni Bettina habang nakatayo sa harap ng itim na Maybach ni Leon.Hindi siya mapakali. Pakiramdam niya, may kung anong mabigat na mangyayari, pero hindi niya matukoy kung ano.“Basta, sumakay ka na. May pupuntahan tayo,” maikli at malamig na sagot ni Leon.Wala nang ibang paliwanag.Wala ring kahit anong emosyon sa boses nito.Napaatras ng kaunti si Bettina, pero sa huli ay sumunod pa rin siya. Dahan-dahan siyang sumakay sa kotse, kahit ramdam niya ang kaba na unti-unting gumagapang sa dibdib niya.Maya-maya, umandar ang sasakyan.Lumabas ang itim na Maybach mula sa villa ng pamilya Imperial.Halos palubog na ang araw, at unti-unti nang dumidilim ang paligid. Ngunit kahit ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin sila humihinto.Sa halip, lalo pang bumibilis ang takbo ng sasakyan.Sa labas ng bintana, mabilis na dumaraan ang mga ilaw at gusali, hanggang sa halos maging malabong linya na lamang ang lahat.Parang hindi sila patungo sa isang s
더 보기