Malalim na ang gabi, pero nasa VIP room pa rin ng Phantom Nightclub si Ashwin. Nakahilig siya sa sofa, iniikot-ikot ang baso ng whisky habang nakikinig sa tsismis at bolahan ng mga tao sa paligid. Sanay na siya sa ganitong maingay, magulo, at puno ng yabang. Kaya lang, nang bumukas ang pinto at pumasok si Evander, parang may biglang humatak sa ingay pababa. Humina ang tawanan at nagsabaysabay ang lingon ng lahat.“Evander!”Sunod-sunod ang bati, halatang may halong respeto at pag-iingat. Naka-itim na polo si Evander, bukas ang dalawang butones, nakataas ang manggas hanggang siko. Tahimik ang mukha niya, parang wala siyang pakialam sa pagpapa-cute na mga babae. Tumango lang siya bilang pagbati at dumiretso sa mas tahimik na bahagi ng room. Halos kusa na ring nagbigay-daan ang mga tao, na parang alam nilang hindi siya dapat harangan.Lumapit si Ashwin, nakangisi. Umupo siya sa tabi ni Evander at kumilos na parang tropang matagal nang magkakilala.“Uy, dumating ka rin. Akala ko na naman m
더 보기