PAGKATAPOS ipadala ang mga litrato, hindi pa nakuntento si Ashwin at nagpadala pa ng voice message, halatang may halong excitement at pang-aasar sa boses niya.“Evander! Tingnan mo ‘to! ‘Yung Elijah na ‘yon, hindi pa rin sumusuko. Halos mamatay na nga, pero nandiyan pa rin—sinusubukang agawin si Bettina sa’yo! Kaya mo bang palampasin ‘to?!”Pagkapadala niya, napasandal siya sa upuan, kagat ang sigarilyo, bahagyang nakapikit habang hinihintay ang magiging reaksyon ng kaibigan. Ngunit lumipas ang ilang minuto na walang kahit anong tugon—walang message, walang “typing…”, wala kahit ano.Napakunot ang noo niya, tila hindi makapaniwala.“Busy ba siya? O wala lang talaga siyang pakialam?” bulong niya sa sarili.Sa huli, hindi na siya nakatiis at direkta nang tumawag.Ilang ring pa lamang ay agad itong sinagot. Mula sa kabilang linya, narinig niya ang pamilyar na malamig at kalmadong boses ni Evander—walang kahit anong bakas ng pag-aalala.“Bakit ka tumawag?”“Nakita mo ba ‘yung mga litrato
더 보기