Nakakagulat kung gaano kabilis umusad ang paghahanda sa engagement nina Bettina at Evander. Parang isang iglap lang, meron na agad design ng invitation card, may tumitingin na ng venue, may gumagawa na ng menu para sa reception, at halos lahat ng kailangan, parang naka-line up na. Nakatitig si Bettina sa makapal na folder na dala ng mommy niyang si Hera Imperial na puno ng schedule at listahan ng mga kailangan para sa engagement, at doon na siya tuluyang hindi nakatiis. Sinubukan niyang lumaban sa huling pagkakataon.“Mom,” maingat niyang simula, bahagyang kunot-noo, “parang… ang bilis yata? Kami ni Evander… we actually…”“Actually what?” tinaas ng mommy niya ang tingin, halatang nagtataka.Huminga nang malalim si Bettina.“Actually, hindi ko naman siya gano’n kagusto, Mom. Puwede bang… pag-isipan pa natin ’to? Baka puwede pang ipagpaliban ang engagement?”Natigilan si Hera sandali, tapos napatingin siya sa anak na parang hindi makapaniwala. Ilang segundo lang, saka siya napairap at t
더 보기