SA loob ng study room, tahimik ang paligid—maliban sa mahinang ugong ng air purifier na parang humahaplos lang sa hangin. Ngayon, hindi nakaupo si Sebastian sa likod ng kanyang malaking office desk gaya ng nakasanayan. Sa halip, naroon siya sa malambot na sofa, bahagyang nakasandal, relaxed siyang tingnan ngunit ang puso niya ay masaya.Sa harap niya, nakaupo si Bettina.Hawak ng matanda ang kamay ng dalaga, marahan, parang may takot na baka mawala ito kung bibitawan pa niya. Dahan-dahan niyang pinagmasdan si Bettina mula ulo hanggang paa—parang sinusuri at hindi makapaniwalang nasa harap niya ang dalagang matagal na niyang inaasahang makita para kay Evander.May lambing sa tingin niya.“Napagod ka ba sa biyahe?” lumabas ang tanong, magaan ngunit puno ng malasakit. Bahagya pa siyang yumuko, parang gusto talagang makita ang bawat ekspresyon ng dalaga. “Hindi ka ba pinahirapan ng batang ‘yan?”Dahan-dahang lumipat ang tingin niya kay Evander na nakaupo sa kabilang side—kalmado, tahimik,
Baca selengkapnya