GAYA ng inaasahan ni Bettina, hindi simpleng hapunan ang nagaganap sa gabing iyon. Habang magkakasalo sila sa mesa, malinaw na malinaw na sinusubukan siyang itugma ng pamilya kay Stephen Laurent.Maayos magsalita si Stephen—matalino, kalmado, at marunong makipag-usap sa mga nakatatanda nang hindi mayabang. Si Bettina naman ay sadyang naglalagay ng sapat na distansya, hindi malamig ngunit hindi rin nagbibigay ng maling impresyon, para maiwasan ang pagiging awkward ng sitwasyon.“Miss Bettina, balita ko ay successful na ang law firm mo sa Cebu,” nakangiting sabi ni Stephen habang nakatingin sa kanya, may halong paghanga ang mga mata. “Siguradong maraming lalaki ang mahuhumaling sa’yo. Bihira na ngayon ang may determinasyong magtayo ng sariling negosyo.”Magalang na ngumiti si Bettina. “Thank you, Doc Stephen. Actually, nagsisimula pa lang naman po.”“Totoo, mahirap talaga ang simula,” tugon ni Stephen. “Pero dahil sa galing mo, nagawa mong tumayo nang mag-isa sa Cebu. May kaibigan ako sa
더 보기