LOGINPagsapit ng umaga, sinalubong ako ng mainit na sikat ng araw mula sa bintana. Sabado na. Isang araw na lang at matatapos na ang kalbaryo ko sa mansyong ito, o di-kaya, kapag pumalpak kami, magsisimula ang isang mas masalimuot na impyerno para sa akin at sa aking anak, maging kina Ashley at Bryan. Kaya hindi pwedeng pumalpak kami. Hindi pwedeng magkamali. Ang pagkakamali ay wala sa aming listahan kung ayaw naming makulong sa dilim dahil ang galit ni Locke ang siyang paniguradong haharapin namin. Wala na sa tabi ko si Locke. Mukhang kanina pa ito wala sa tabi ko dahil nang hawakan ko kung saan siya nakahiga, malamig na ang kama sa tabi ko. Nagtungo na lang ako sa banyo at pagkatapos kong gawin ang lahat ng dapat gawin, umupo ako sa lamesa upang doon na lang hintayin si Ashley. Kaya lang, hindi si Ashley ang unang pumasok sa aking silid. Sa halip, ang tunog ng mabibigat at de-kalidad na sapatos ang bumasag sa katahimikan—isang tunog na hinding-hindi ko malilimutan. Si Lucy na may
Hindi ko maalis sa aking isipan ang mga boses na narinig ko sa labas ng pinto kanina. Ang bawat salita ni Locke laban kay Sir Luther ay tila mga lason na unti-unting pumapatay sa anumang natitirang respeto ko sa pamilyang ito.Si Lucy, na akala ko ay kapatid niya, ay kabit pala ng kaniyang ama. At si Sofia… maging ang babaeng pakakasalan niya ay nasangkot sa dumi ng matandang Salvador. Napahawak ako sa aking tiyan. Dito ba kita palalakihin, anak? Sa bahay na puno ng pagkukunwari at kasalanan?Nanatili akong gising sa gitna ng kadiliman ng kuwarto walang kabuhay-buhay, binibilang ang bawat segundo habang hinihintay ang kaniyang pagbalik. Nang marinig ko ang marahang pagpihit ng doorknob, mabilis akong pumikit at pilit na itinuwid ang aking paghinga upang magmukhang mahimbing ang tulog. Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa aking tabi. Naamoy ko ang halong bango ng kaniyang pabango at ang pait ng alak. Hinaplos ni Locke ang aking buhok, isang haplos na kailanman ay hindi ako naging
Ang mga huling salitang iyon ni Locke ang paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking pandinig habang nakapikit ako at nagtutulog-tulugan. “Hintayin mo akong matapos sa lahat, Talitha. At kapag natapos ko na, wala nang pagdurusa ka pang mararamdaman.” Iyon ang huling sinabi ni Locke bago ko naramdaman ang kaniyang pagtayo. At ramdam ko pa rin ang dampi ng labi niya sa aking noo bago ko narinig ang marahang pagsara ng pinto. Nang masiguro kong wala na siya, dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang dilim ng silid ay tila sumasakal sa akin. Napahawak ako sa aking tiyan at naramdaman ang mabilis na tibok ng aking puso. Masaya? Mapayapa? Paano kami magiging masaya kung ang pundasyon ng aming pagsasama ay pader ng isang kulungan? Ang mga pangako niya ay tila mga bulaklak na itinanim sa sementeryo—maganda sa paningin, pero amoy kamatayan. Ang kalayaang sinasabi niya ay para lang sa kaniya, dahil para sa akin, ang pananatili sa tabi niya ay habambuhay na pagkakabilanggo. Wala
Tila huminto ang mundo ko sa huling tinuran ni Lucy. Ang kaniyang paa na suot ang mamahaling sapatos ay tila isang dambuhala na nakatapak sa aking pagkatao ngayon.“Ano? Bingi ka ba, Talitha? O gusto mong ako na mismo ang maghatid ng balita kay Locke sa kalagayan mo ngayon?” nakangising tanong niya habang tinitingnan ang kaniyang mga kuko. “Sumosobra ka na, Lucy!” akmang susugod si Ashley pero mabilis kong hinawakan ang kaniyang braso.“Huwag, Ashley…” pabulong kong pigil sa kaniya. Ramdam ko ang panginginig ng sarili kong mga kamay. Tumingin ako kay Lucy. Ang babaeng dati ay itinuring kong kaibigan, ngayon ay isa siya sa mga taong humahawak sa leeg ng aking kinabukasan. Isang maling galaw ko lang, habambuhay kaming magiging bilanggo ng anak ko sa impyernong ito. Dahan-dahan, tila ba bawat pulgada ay may bigat ng isang libong kilo nang ibinaba ko ang aking katawan. Lumuhod ako sa kaniyang harapan. Ramdam ko ang lamig ng sahig sa aking mga tuhod, kasinglamig ng puso ng mga Salvad
Pilit kong pinapakalma ang aking paghinga habang nakatitig sa maliit na plastic na hawak ko. Nararamdaman ko ang malamig na pawis sa aking noo habang hinihintay ang pagbabago sa puting screen nito. Bawat segundo ay tila isang oras na nagpapatindi sa aking kaba.“Sana… sana ay mali ako,” bulong ko sa sarili, kahit na alam ng katawan ko ang totoo.Dahan-dahang lumitaw ang unang guhit. Kasunod nito, ang pangalawa. Malinaw. Mapula. Isang hatol na habambuhay akong nakatali sa dugo ng mga Salvador. Napasandal ako sa pader ng banyo, pilit na pinipigilan ang hikbing gustong kumawala sa aking lalamunan. Ang bawat pintig ng puso ko ay tila babala na mas lalong hihigpit ang hawla sa oras na malaman ni Locke ang tungkol dito.Isang katok ang nagmula sa labas dahilan kung bakit mabilis akong tumayo nang tuwid at inayos ang sariling ekspresyon. Mabilis ko ring itago ang pregnancy test na hawak ko na may dalawang linya sa takot na nasa labas na si Locke.“Talitha, buksan mo,” boses ni Ashley.Mabili
Nagising ako kinabukasan na wala na sa tabi ko si Locke. Ang pinagsaluhan naming init kagabi ang siyang tanging naalala ko at kahit anong isip ko sa huling tinuran niya ay wala akong maalala. Ang alam ko lang ay hinalikan ako nito sa noo bago ako tuluyang nilamon ng dilim.Dahan-dahan akong bumangon at naramdamanko ang kirot sa aking katawan—isang paalala ng bawat haplos at bayo ni Locke. Tiningnan ko ang bakanteng espasyo sa kama. Maayos na ang bahagi ng higaan niya, tanda na kanina pa ito umalis. Hindi ko alam kung totoo ang sinabi niyang mananatili na ito sa tabi ko, dahil ngayon… nagising akong wala siya.Nakaramdam ako ng lungkot dahil pakiramdam ko ay pinaasa na naman niya ako sa mga salita niya, pero sa gitna ng lungkot na nararamdaman ko, nagpapasalamat ako kung sakali mang umalis nga ito.Sabagay, ano pa ba nga ba ang aasahan ko mula kay Locke?Lagi naman walang katotohanan ang bawat sinasabi niya. Wala naman siyang sinabi na napanindigan na niya. Ang bawat pangako niya ay til
Buhay na buhay ang diwa ko habang nakapikit. Alam kong gising pa si Locke dahil nararamdaman ko ang kanyang paminsan-minsang halik sa leeg ko. Nakayakap pa rin siya sa akin. Ang kanyang kamay at paa ay nakapatong sa aking hita na tila mga tanikala habang nakabalot sa amin ang makapal na kumot. Na
Hinanap ko sa aking isipan ang galit ko para sa mga Salvador—ang poot na dapat ay nag-uudyok sa akin na wasakin ang pamilya niya. Pero bakit tila naglalaho ang talim ng aking paghihiganti sa tuwing lumalapat ang kanyang mga labi sa akin? Ang halik na iginawad ni Locke ay hindi katulad ng mga naun
Pabalagbag na binuksan ni Locke ang pinto ng isang malawak na suite bago niya ako tuluyang ibinaba sa gitna ng malambot na kama. Ramdam ko pa rin ang init ng kanyang mga palad sa aking baywang at ang mapanuksong tingin na tila ba binabasa ang bawat takbo ng isip ko.Sa kabila ng mabilis na pagtibok
Halos mabali ang mga leeg ng mga bisita habang sinusundan nila kami ng tingin paalis sa function hall kung saan nagkakagulo pa rin dahil sa nabasag.Hindi ko naman mapigilan ang igala ang paningin ko sa kanila dahil ang mga mata nila ay nanlilisik sa akin. May mga nagbubulungan pa nga habang nakati







