Naglakad ako muli patungo sa kama nang walang nakuhang sagot mula sa labas ng pinto. At habang naglalakad ako, nakaramdam ako ng hilo. Ang bawat hakbang ko ay tila paglakad sa ibabaw ng ulap—walang katiyakan at puno ng panganib. Marahil sa gutom at iyak kaya ko ito naramdaman. Nakahiga ako sa kama dahil sa biglaang pagkahilo habang nakatingin pa rin sa pinto, nagbabakasaling bubukas ito, pero nakatulog na ako at muling nagising , nakasarado pa rin ito.Tumayo ako. Pinakikiramdaman ko ang sarili ko, at nang hindi na ako nahihilo, agad akong nagtungo sa pinto. Katulad nang ginagawa ko kanina, muli kong hinawakan ang door knob at sinubukang buksan ito, pero katulad din kanina, hindi man lang bumukas ito.“Locke, palabasin mo na ako rito!” sigaw ko.Ang sigaw ko lang ang tanging naririnig ko sa buong kwarto. Ang bawat sigaw ko ay tila nagpapahiwatig na kahit anong lakas ng boses ko, kahit mapaos ang boses ko kakasigaw, walang makakarinig sa akin. Walang makakarinig sa boses kong humihing
Read more