Lumipas ang mga linggo at unt-unting ibinalik ng tadhana ang lakas sa aking katawan. Ang mahabang panahong iginugol ko sa higaan ng ospital ay napalitan ng mga dahan-dahang hakbang, kung saan ang bawat pag-usad ko ay laging may nakaalalay na kamay—ang mga kamay ni Locke na kailanman ay hindi bumitaw.“Dahan-dahan, Darling,” pabulong at puno ng pag-iingat na wika ni Locke habang nakabaon ang kaniyang bisig sa aking baywang, sinasalo ang bigat ko habang naglalakad kami sa hardin ng ospital.Ngumiti ako at sumandal sa kaniyang dibdib, nilalanghap ang pamilyar niyang amoy na matagal kong ipinagkait sa aking sarili. “Malakas na ako, Locke. Kaya ko na.”“No. Hinayaan kitang mawala noon, Talitha. Ngayong gising ka na, hinding-hindi ko na hahayaang mahirapan ka kahit sa isang hakbang,” mariin ngunit may lambing niyang sagot bago ko naramdaman ang isang halik sa tuktok ng aking ulo.Sa di-kalayuan, nakita namin si Theo na tumatakbo patungo sa amin, may hawak na maliit na guhit para sa akin. Sa
Read more