Pagsapit ng umaga, sinalubong ako ng mainit na sikat ng araw mula sa bintana. Sabado na. Isang araw na lang at matatapos na ang kalbaryo ko sa mansyong ito, o di-kaya, kapag pumalpak kami, magsisimula ang isang mas masalimuot na impyerno para sa akin at sa aking anak, maging kina Ashley at Bryan. Kaya hindi pwedeng pumalpak kami. Hindi pwedeng magkamali. Ang pagkakamali ay wala sa aming listahan kung ayaw naming makulong sa dilim dahil ang galit ni Locke ang siyang paniguradong haharapin namin. Wala na sa tabi ko si Locke. Mukhang kanina pa ito wala sa tabi ko dahil nang hawakan ko kung saan siya nakahiga, malamig na ang kama sa tabi ko. Nagtungo na lang ako sa banyo at pagkatapos kong gawin ang lahat ng dapat gawin, umupo ako sa lamesa upang doon na lang hintayin si Ashley. Kaya lang, hindi si Ashley ang unang pumasok sa aking silid. Sa halip, ang tunog ng mabibigat at de-kalidad na sapatos ang bumasag sa katahimikan—isang tunog na hinding-hindi ko malilimutan. Si Lucy na may
Read more