Ilang taon na ang lumipas, pero hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa tuwing nakikita o naiisip ko ang mga mata ni Locke. Kahit ang payapang hampas ng mga alon dito sa dalampasigan ay hindi sapat para burahin ang takot na nakaukit na sa aking sistema. Ang mga matang iyon—malamig, mapang-angkin, at tila laging nakakabasa ng bawat iniisip ko—ay ang mismong mga mata na nakikita ko ngayon sa aking anak. “Mama, look! I found a beautiful shell.” Tinignan ko ang hawak ni Theo na kasalukuyang naghahanap ng mga kabibe sa dalampasigan kasama si Ashley. Tinatanaw ko lang sila sa malapit, sakto lang na hindi nababasa ang mga paa ko mula sa tubig-dagat. Ngumiti ako kay Theo, pero may kaunting kirot sa aking dibdib. Sa bawat ngiti ng anak ko, sa bawat galaw niya, si Locke ang naaalala ko. Isang paalala ng nakaraang pilit kong ibinabaon sa limot. “Oo, anak, napakagandang kabibe,” sambit ko habang tinitingnan ang ngiti ng aking pinakamamahal na anak. Matapos naming kumain kagabi, nag
Read more