Dahan-dahang binuhat ni Locke si Theo. At sa unang pagkakataon, nakita kong tila naging marupok ang kaniyang pagkatao. Ang mga bisig niyang dati ay ginagamit para manakot o magpakita ng kapangyarihan, ngayon ay maingat at tila nanginginig habang yakap ang kaniyang anak. Umupo si Locke at kinandong ang kanyang anak. Samantalang nilapitan naman ako ni Ashley na ngayon ay tahimik, at pareho naming tinitignan ang mag-amang magkamukhang-magkamukha. “You got your nose from your mother, but the rest, you look just like me,” bulong ni Locke habang hinahaplos ang buhok ni Theo. “I’m sorry, anak… I’m sorry if I wasn’t there.” “Mama said you’re strong po,” inosenteng sagot ni Theo habang hinahawakan ang pisngi ni Locke. “Why are you crying, Papa?” Agad na pinunasan ni Locke ang kaniyang mga mata at pilit na ngumiti. “Even the strongest person can cry, Theo,” napapaos na sagot ni Locke sa kanyang anak. Pagkasabing-pagkasabi ni Locke sa katagang iyon, bumuhos ang luha ni Theo na kanina
Read more