Mabilis ang bawat kilos ko kahit na may hapdi sa aking kamay. Kinakausap naman ako ng apat na mokong, pero hindi ito ang dahilan para tumagal ako sa kuwartong ito. Nasa harapan ko sila at nangungulit, samantalang si Locke ay lumabas nang hindi nagpapaalam.“Tour mo naman kami rito sa Sta. Ana, Talitha,” si Reed na para bang bata. “Oo nga, mamimili rin kasi kami ng mga pasalubong,” ani naman ni Lucian habang umiinom ng kape. “Samahan mo na kami, Talitha. Panggabi naman ang trabaho mo kaya pwede ka sa umaga,” dagdag naman ni Darien. Napangiwi ako, hindi dahil sa pangungulit nila, kung hindi dahil sa hapdi ng sugat ko. Kasabay ng hapdi ng sugat sa aking balat ay ang kirot sa aking dibdib na dulot ng pag-uusap namin kanina ni Locke. “Bakit hindi na lang kayo magpasama kay Carter? Panigurado ay kabisado niya ang lugar rito,” sagot ko sa kanila. “Ayaw namin diyan,” mabilis na tutol ni Lucian. “Nagpatayo lang ’yan ng resort dahil sa babae. Kaya hindi rin siya naglalagi rito kahit may
Read more