Napahinga ako nang malalim at napatayo sa aking kinauupuan. Napatingin ako sa kaniya, kita ko ang pagkaseryoso sa kaniyang mukha. Tila merong halong pagsasamo ang kaniyang tingin sa akin. “Masama na ba ngayon na andito ako?” tanong ko sa kaniya. “Purket ba andito ako, meaning heartbroken agad ako?” Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko. Napahinga siya nang malalim at napahawak sa kaniyang baba. “Mataray ka pa rin kahit na lasing ka, ano?” wika niya sa akin. Alam ko na merong inis ang kaniyang pagkakasabi noon. Alam ko ang bagay na iyon, hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan ang bagay na tumatakbo sa isipan ko. Gawa ng may inis pa rin ako sa kaniya, hindi ko alam kung magagawa ko ba talaga ng tama ang bagay na ito. “I’m just asking kung talagang ang isang Elyse Fernandez ay nakakaramdam pa rin ng heartbroken, looking at you being wasted. Mas heartbroken ka pa sa akin.” wika niya sa akin. Napahinga ako nang malalim dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay napakabilis lang na mawa
Read more