KIARASigaw ang binigay namin kada nakaka-shoot si Noah ng bola. Hindi ko ma-explain yung saya na nararamdaman ko sa oras na ito. Iba sa pakiramdam yung saya habang nakikita siyang masaya. Yung pag-uusap namin ni Mara, doon ko mas lalong nararamdaman na totoo na talaga ang nararamdaman ko sa kaniya. “Tapos na yung game, mauna na ako sa inyo. By the way magluluto pala ako mamaya ng pagkain. Better na sumabay na rin kayong dalawa,” wika ni Mara sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya sabay napatango-tango. “Thank you, pupunta na lang kami mamaya.” wika ko sa kaniya. Agad na rin naman siyang umalis at iniwan na ako doon mag-isa. Mas lalong gumaan ang loob ko when she told me that. Andoon pa rin yung gusto niya si Noah, pero I trust Noah. Alam kong ako na. “Asaan si Mara?” tanong niya sa akin. “Nauna na, magluluto pa raw siya. Niyaya nga rin tayong dalawa na kumain.” Napangiti naman siya sabay napatango-tango. Kinuha ko naman ang panyo at pinunahan ang mukha niya. Nakangiti lang naman
Last Updated : 2026-02-12 Read more