NOAHNang marinig ko ang lahat ng iyon halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko pa fully naalala kung ano ang meron sa amin ni Kiara. It’s still fragmented, pero paunti-unti nalalaman ko na ang lahat. Ang daming nangyari sa kaniya, ang dami kong gustong malaman pa. Dalawang taon… dalawang taon akong nawala sa tabi niya. Ganon ba ako katanga para hindi ko malaman ang pangalan niya? Dalawang taon niya akong hinihintay… dalawang taon din siyang naghihintay sa akin…Ngayon ay nakatingin muli ako sa kalangitan. Pinagmamasdan ko ang ganda ng bituwin. Pero hindi na ito gaya ng dati, dahil puno’ng puno ng kalungkutan ang puso ko. Puno’ng puno ito ng sakit matapos ng mga nangyari. Bakit ba puro sakit na lang ang nararamdaman ko?“Noah…” narinig kong boses ni Mara. Napatingin naman ako sa kaniya at nakita ko na may dala-dala siyang pagkain. “Mag-isa ka na naman?” tanong niya sa akin.After hearing what’s the reason why Kiara left me, doon ako nakaramdam ng inis kay Mara. She shouldn’t
Last Updated : 2026-01-31 Read more