Kiara“Ang sarap ng luto mo,” masaya niyang sabi sa akin. “Dapat pala lagi mo na akong pinaglulutuan eh,” nakangiti nyang sabi sa akin. Napairap naman ako sabay napailing-iling. “Mga estilo mo, gusto mo lang talaga akong alilain.” bigla namang kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka. “Pero seryoso ka ba masarap talaga?” “Hindi ah, hindi kita pinapahirapan. Nagustuhan ko lang talaga yung luto mo kaya ganon,” masaya niyang sabi. Kumuha naman ako ng kutsara para tikman ang niluto ko, pero agad ko ring niluwa iyon dahil sa sobrang alat. “Ano’ng masarap jan, Noah, sobrang alat nga,” wika ko sa kaniya. Agad naman akong tumayo at kumuha ng tubig sa ref para bigyan siya ng tubig. “Huwag mo ng kainin, uminom ka na lang ng tubig.” plano kong agawin ang plato niya pero agad naman niyang tinanggal iyon sa lamesa at inilayo sa akin para hindi ko iyon makuha. “Bakit mo kukunin, kumakain pa ako?” napahinga naman ako nang malalim sabay napahawak sa aking noo. “Noah, maalat nga. Palitan na lang n
Magbasa pa