NOAH“Noah, hindi naman na natin dapat puntahan si tita Evelyn,” wika sa akin ni Zoren. Napahinga ako nang malalim at napatingin sa kaniya. “I need too, baka siya na ang sagot sa lahat. Knowing na laging sinasabi sa akin ni Kiara na nakaharap ko na ang mom niya ng ilang beses. Bakit hindi ko siya pwedeng harapin ngayon?” tanong ko sa kaniya. Napahinga naman siya nang malalim sabay napahawak sa kaniyang noo. “Iba naman kasi iyon, Noah. Alam ko na lagi kayong nagkikita noon ni tita Evelyn dahil gusto ka nga niyang palayuin sa anak niya. Pero hindi ngayon ang tamang oras,” wika niya sa akin. “Kung, hindi ngayon kailan naman?” tanong ko sa kaniya. “This is the right time, besides ito na iyon. Respeto na lang din sa kaniya since papakasalan ko ang anak niya,” wika ko sa kaniya. Napahinga naman siya nang malalim sabay napahawak sa kaniyang noo. “Are you sure about this?” tanong niya sa akin. Napahinga ako nang malalim sabay napatango-tango sa kaniya. “I’m sure, Zoren. Ito na iyon, baki
Read more