Napahinga na lang ako matapos ang paghaharap na iyon. Seryoso ba talaga ang babaeng iyon, ganon niya itrato ang anak niya. My gosh, hindi nga sila nalalayo ni Evelyn. Parehas na merong anak sa labas, parehas na merong paboritong anak. Hindi na lang magpakaplastic for once. Gusto niya talaga merong umaangat sa buhay at dapat siya iyon. “Elyse, alam mo sa ginawa mo na magagalit ang mom mo,” wika ni dad sa akin. Napahinga naman ako nang malalim at napatingin sa kaniya. “Seriously iyon pa rin ang inisip ninyo? Yung sasabihin ni Evelyn sa inyo?” tanong ko sa kaniya. “Look what happened earlier. Ganon na ganon ang ginagawa sa atin ni Evelyn, pero dahil sa pagmamahal na meron ka ay nabulag ka sa bagay na iyon.” napahinga na lang ako nang malalim sabay napahawak sa aking ulo. “Like seriously, hindi ka ba talaga minsan nagtataka na talagang ginagamit lang tayo ni Evelyn pero nagpapagamit ka naman.” diin na sabi ko sa kaniya. “Pwede ba, hindi na natin pag-uusapan ang bagay na ito. Let’s go,
Read more