Share

CHAPTER 35

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-04-26 00:04:28

Pagkatapos maligo, bahagyang nahimasmasan ang katawan niya. Kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam, ngunit hindi pa rin tuluyang nawawala ang bigat na nakadagan sa dibdib.

Nanatili lamang siya sa loob ng kwarto, tahimik na nakaupo sa gilid ng kama habang nagbabasa ng magazine. Ilang minuto pa lang ang lumilipas ay nainip na siya. Wala naman talaga siyang sakit. Wala ring dahilan para magkulong doon buong araw.

Tumayo siya at lumabas ng silid. Puting T-shirt lamang na mababa ang V-neck at
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 39

    Ngunit gaano man ito ka-sincere ngayon, hindi pa rin niya kayang kalimutan ang ginawa nito noon.Ang sakit na naranasan niya noong high school ay tila naging permanenteng tatak sa kanyang puso’t isipan. Isang sugat na matagal nang naghihilom ngunit hindi kailanman tuluyang nawala. At marahil, iyon na rin ang magiging sandata niya laban sa sariling damdamin.Kapag naramdaman niyang muli siyang unti-unting nahuhulog dito, ipapaalala niya sa sarili ang katotohanan... Na minsan, pinagpustahan lang siya nito... na huwad ang lahat ng ipinakita nito noon, at na hindi siya dapat umasa kailanman.“Ang mabuti pa…” putol ni Kieran sa magulong takbo ng kanyang isip. “Magpalit ka na ng damit at bumaba ka na. Kainin mo na ang pasalubong kong cheesecake para sa’yo.”Bigla siyang namula. Parang saka lamang niya naalala ang nakakaasiwang suot niya. Kanina pa pala siya nakatayo roon habang ganoon ang ayos.Tumalikod si Kieran at hindi na hinintay ang kanyang sagot. Tahimik itong naglakad palabas ng sil

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 38

    Parang natigil ang buong mundo sa isang iglap. Hindi siya nakasagot. Nanatiling bukas ang kanyang bibig ngunit walang salitang lumabas. Dahil sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang hindi rin siya tuluyang nakausad.Hindi mula sa kahihiyan, mula sa sakit at lalong hindi sa lalaking nakatayo ngayon sa kanyang harapan.Matagal na niyang ipinipilit sa sariling tapos na ang lahat. Na wala nang natitirang bakas ng nakaraan. Ngunit sa isang titig lamang ni Kieran, gumuho ang lahat ng pader na pilit niyang itinayo sa loob ng maraming taon.“You disgust me, Kieran.”Iyon lamang ang naisagot niya bago mabilis na tumalikod at halos patakbong umakyat sa kanyang silid.Wala siyang pakialam kung paanong nanginginig ang kanyang mga kamay at paanong nag-init ang kanyang mga pisngi. Ang tanging nasa isip niya ay makalayo rito.Si Kieran naman ay tila walang pakialam kung may makakita man sa kanilang inasal sa loob ng bahay. Samantalang siya, ingat na ingat sa bawat kilos at sa bawat tingin... baka

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 37

    Tumulo ang kanyang mga luha habang muling sumasagi sa alaala ang mga sugat ng nakaraan.Hanggang ngayon, walang kaalam-alam si Kieran na alam na niya ang tungkol sa pustahang iyon. Oo, naging mahina siya noon, isang tahimik at inosenteng babaeng madaling masaktan.Pero hindi na ngayon. Hindi na siya ang dating Nikita na kayang lokohin at paikutin ng kahit sino, lalo na ni Kieran.Maya-maya ay may marahang kumatok sa kanyang pinto. “Señorita, baba na raw po kayo para mag-lunch.”Narinig niya ang tinig ng katulong mula sa labas.“Sige, baba na ako,” mahinang tugon niya.Pinunasan niya ang natitirang luha sa kanyang pisngi at huminga nang malalim. Ayaw niyang makita ng kahit sino ang kahinaan niya. Bumangon siya mula sa kama at hindi na nag-abalang magpalit ng damit. Suot pa rin niya ang oversized shirt at maikling shorts na mahigpit na nakayakap sa kanyang mga hita.Habang bumababa ng hagdan ay malalim pa rin ang kanyang iniisip. Kaya naman hindi niya napansin ang lalaking nakaupo sa di

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 36

    “Baka naman gawa-gawa mo lang ’yan, Nicole, dahil natalo ka ni nerd. Kita mo naman kanina. Matinding glow up ang nangyari sa kanya. Ang ganda niya, at bagay naman talaga siyang maging Queen of the Night.”Napansin niyang iba na ang tono ng boses ni Tasha, hindi na panunukso kundi tila pagtatanggol.“Napapansin ko, Tasha, kanina mo pa ako binabara,” mataray na sagot ni Nicole. “Kanino ka ba kakampi? Kay nerd o sa akin?”“Ah… eh… hindi naman sa gano’n, Nicole,” alanganing sabi ni Tasha. “Mabait naman kasi si Nikita.”“Basta!” mariing putol ni Nicole. “’Yon ang nangyari. Dahil imposibleng manalo siya sa akin. Nandaya siya!”Maya-maya pa’y nagsimula nang lumabas sina Nicole at ang mga kaibigan nito, patuloy pa rin sa bulungan at tawanan.Pagkasara ng pinto ng CR, doon na siya tuluyang napaiyak. Tahimik ngunit marahas ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi. Para bang sabay-sabay na bumuhos ang lahat ng hiya, sakit, at galit na kanina pa niya pinipigil.Ngunit ilang saglit lang, mariin niya

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 35

    Pagkatapos maligo, bahagyang nahimasmasan ang katawan niya. Kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdam, ngunit hindi pa rin tuluyang nawawala ang bigat na nakadagan sa dibdib.Nanatili lamang siya sa loob ng kwarto, tahimik na nakaupo sa gilid ng kama habang nagbabasa ng magazine. Ilang minuto pa lang ang lumilipas ay nainip na siya. Wala naman talaga siyang sakit. Wala ring dahilan para magkulong doon buong araw.Tumayo siya at lumabas ng silid. Puting T-shirt lamang na mababa ang V-neck at maikling shorts ang suot niya. May bra naman siya, ngunit bahagyang nakikita ang kaniyang cleavage kapag yumuyuko siya. Hindi na niya iyon pinansin. Paborito niya kasi iyong pambahay... maluwag, presko, at komportable sa katawan. Isa pa, wala namang lalaki sa loob ng bahay nila. Puro babae ang mga kasambahay nila.Paglabas niya ay agad muling napunta ang tingin niya sa malaking portrait na nakasabit sa dingding ng hallway. Larawan niya noong JS Prom.Matagal na niya iyong planong palitan, ngunit

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 34

    Pagbaba niya ay nakahanda na ang breakfast pero wala pa doon si Nikita.“Good morning, Manang,” bati niya kay Yaya Gloria.“Good morning, Sir Kieran.”“Si Nikita, nakababa na ba?” tanong niya.“Wala pa naman. Aalis ba kayo?”“Opo. Sabi ni Tito Wesley, dadalhin ko si Nikita sa Tala Corporation.”“Ganun ba? Baka nakalimutan niya? Nag-usap ba kayo kagabi?”Natigilan siya. Paano silang mag-uusap kung kamuntikan nang may mangyari sa kanila? Hindi siya sumagot.“Ang mabuti pa, puntahan ko sa kwarto niya. Baka nakalimutan ng batang 'yun,” sambit ni Yaya saka pumanhik sa taas.Kinuha niya ang cellphone at gustong i-message si Nikita kung gising na ito, pero pinigilan niya ang sarili. Tutal, pinuntahan na rin naman ito ni Yaya Gloria.Maya-maya ay bumalik si Yaya nang hindi kasama ang dalaga. “Hindi daw siya aalis, sabi niya.”Kumunot ang kanyang noo. “Huh? Bakit daw?”“Masama daw ang pakiramdam niya. Eto nga at dadalhan ko ng paracetamol.”Bigla siyang natigilan. May sakit si Nikita? Mabilis

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status