Sa isang malaking terminal, punong puno ang biyahe papunta sa ibat ibang probinsya gaya ng Laguna, Batangas at Lucena. Maaga pa pero buhay na buhay na ang lugar. May mga taong nakapila sa ticket booth. Merun ding mga nakaupo sa mahabang bangko, ay may mga bus naman na nakaparada. Maririnig ang dispatcher na isinisigaw ang kanilang destinasyon. “San Pablo! Aalis na!” “Lucena, last call!” “Batangas!” Naghalo halo na ang ingay ng makina, usapan ng mga taong naroon at tunog ng preno at busina ng mga sasakyan sa loob ng terminal. Ingay yun na nakakairita sa karamihan, pero para kay Cacai nalilibang siya sa lahat na naririnig at nakikita niya. Nakatayo siya sa gilid. Simple lang ang suot niya, shorts, tshirt, tennis shoes , sombrero at may bitbit na backpack. Kasama niya sina Hito at Hippo, hindi gaya niya ay halatang hindi gusto ng mga ito na naririto. “Madam.. Bakit ba tayo nagtyatyaga sa mausok na lugar na ‘to? Pwede naman tayong magchopper o kotse.” reklamo ni Hito habang pati
Read more