Sa loob ng convention hall, tuloy tuloy ang selebrasyon na parang walang anumang problema. Masaya na at nag-eenjoy ang lahat kahit kasisimula pa. Sa gitna na lahat ng yun ay kumikilos si Leon na parang normal lang ang naturang gabi. Nakikipagkamay, tumatango at sumasagot sa mga bumabati. Pero ang mga mata aniya ay hindi mapakali. Tuloy tuloy lang siya sa pagscan ng paligid habang sinusuri ang bawat galaw ng lahat ng taong naroon. Sa dami ng kanyang empleyado, bukod pa ang mga caterers at staff sa venu, hindi niya matukoy kung sino sa mga ito ang ipinadala ni Pacquito para magmanman kung merun man. Kaya naman, tahimik na ring siyang nagpakalat ng sarili niyang mga tauhan sa loob ng hall na nakahalo sa crowd nang hindi nahahalata. Habang iginagala ni Leon ang mga mata ay nahagip ng kanyang paningin ang isang pamilya na mukha sa isang bahagi ng bulwagan., at yun ay si Victoria. Naka-gown ito at tila pinaghandaan talaga ang kanyang pagdating mula sa makeup, sa ayos ng buhok hanggang
อ่านเพิ่มเติม