Samantala, si Cacai naman ay nasa bahay, nakatambay lang sa sala at hindi maiwasang hindi maalala si Leon. Ilang araw na niya itong hindi nakikita. Miss na miss na niya ito. Kaaalis alis lang nung IT na nagtuturo sa kanya ng flow ng system ng NorthPoint. Kaya tahimik na ulit ang paligid at normal na araw lang sana…, nang may marinig siyang pamilyar na boses mula sa may pintuan. “Miss me?” anang baritonong boses. Agad siyang napalingon sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Leon, nakatayo sa may pintuan. “Leon..” usal niya saka mabilis na tumakbo palapit rito at agad na niyakap ito., mahigpit at parang ayaw nang pakawalan. Napangiti si Leon at agad gumanti ng yakap. Nai-angat pa niya ang dalaga nang bahagya habang mahigpit na nakapulupot ang mga braso dito. Pagkuway marahan niya itong ibinaba saka ito kinintalan ng banayad na halik sa labi. Halik na may pananabik pero hindi nagmamadali. Maya maya ay marahan silang naghiwalay. “For you..” ani Leon at iniab
Read more