Dire-diretso ang lakad ni Leon papunta kay Cacai. Kita sa mukha ni Leon ang pag-aalala na baka galit sa kanya ang asawa. Pero nagulat siya ng mabilis na naglakad si Cacai palapit sa kanya at tila sabik na sabik na niyakap siya.“Akala ko, nasa Japan ka?”“Hindi ka galit?”“Bakit naman ako magagalit?”“Yung Ate mo–”“Oo, pinuntahan niya ako kanina sa school. Nagpaalam siya sa akin bago siya umalis.” masayang pagbabalita ni Cacai. “Bati na kami.”Nakahinga ng maluwag si Leon. Akala niya ay galit sa kanya ang asawa. Pero agad ding kumunot ang kanyang noo.“So, bakit naka-off ang cellphone mo?” tila galit ang boses na sabi ni Leon.“Sorry, nalobat eh. Nakacharge. Akala ko naman nasa Japan ka na.” paliwanag ni Cacai.Yumakap siya kay Leon, pinag-alala pa niya ito. “Sorry.”Napabuntong hininga na lang si Leon. Hindi niya magawang mainis sa asawa. Sa halip ay masaya siyang makita na maayos ang kalagayan nito.“I’m glad you’re okay.” aniya at hinalikan si Cacai sa noo. Doon lang muna dahil
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-05-03 อ่านเพิ่มเติม